Dioscora (328)

“HELLO, JC?’’ bati ni Shappira na halatang masaya dahil mataginting ang boses.

“Hi Shappira, ­kumusta?’’

“Mabuti naman JC. Nung isang araw pa sana kita tatawagan pero ­masyado akong naging busy.’’

“A okey. May mahalaga ka bang sasabihin o iuutos, Shappira?’’

“Oo sana, JC kung hindi magiging sagabal sa iyo.’’

“Ikaw naman kung magsalita, para kang ibang tao. Alam mo naman na lahat nang sabihin mo e gagawin ko.’’

“Siyempre nahihiya na akong mag-utos sa pinagpipitaganang CEO nang isa sa malaking kompanya sa Pilipinas. Hindi ka na ordinaryong empleyado lang kundi pangulo ng kompanya—nahihiya rin ako, JC.’’

“Ikaw talaga Shappira. Dapat mong tandaan na kung hindi dahil sa Mommy mo—kay Mam Dioscora at sa Lolo mong si Simon Pedro, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Kung hindi dahil sa kabutihan nila, hindi ako magiging president ng kompanya.’’

“Kahit na, JC, nag-aala­ngan pa rin akong mag-utos—nahihiya at nagdadalawang-isip.’’

“Ano ka ba Shappira? Ano ba ang iuutos mo at nang masimulan ko na agad?’’

“Talaga bang hindi nakakahiya?’’

“Hindi sabi. Ano yun?’’

“Kasi malapit na ang birthday ni Mommy. Gusto ko sana, magkasama-sama na sa isang musoleo sina Mommy, Daddy at Lolo.’’

“Ah gusto mo ma-transfer ang remains ni Mam sa musoleo ng pamilya?’’

“Oo. Puwede ba, JC?’’

“Oo naman. Tamang-tama nakaka-five years na mula nang mamatay si Mam. Puwede na siyang ilipat.’’

“Ang bilis ng panahon ‘no? Naka-five years na pala.’’

“Oo. Pag-uwi mo rito, naka-transfer na si Mam.’’

“Next year uuwi ako at aking mister—Fil-Am siya. Gusto rin niyang makita ang mga pinagmulan ko.’’

“Tamang-tama!’’

“Bakit tamang-tama?’’

“Magpapakasal na kami ni Angel. Kayo ang special na guest namin.’’
Itutuloy

Show comments