Dioscora (323)

“NAPAKAGANDA mo Angel,’’ sabi ni Maria nang ipakilala ni JC.

“Salamat, Maria. Ikaw din maganda. Nakita na kita minsan.’’

“Talaga? Saan?’’

“Nu’ng graduation namin ng Kuya mo.

Hindi lang ako nakalapit sa inyo dahil busy kayo. May kasama kayo ni JC nun na isang ma­gandang babae.’’

“Ah oo. Si Mam Dios­cora ‘yun.’’

Hanggang ituro ni JC kay Angel ang portrait ni Mam Dioscora na nasa dingding.

“Siya si Mam Dioscora.’’

“Oo nga siya ‘yung kasama n’yo sa gradua­tion.’’

“Patay na siya Angel —mga isang taon na ang nakalilipas.’’

“Anong ikinamatay niya?’’

“Natagpuan na lamang sa kama na wala nang buhay.’’

“Atake?’’

Tumango sina JC at Maria.

Maya-maya nagpaalam si Maria na ihahanda ang mesa para sa lunch.

“May pamilya siya?’’ tanong ni Angel kay JC. Halatang nagkainteres si Angel.

“Biyuda si Mam. May isang anak na nasa U.S.’’

“Bakit ganun na lamang ang closeness n’yo ni Mam Dioscora, JC?’’

“Siya ang nagpaaral sa amin. Lahat ay pinagkaloob sa amin. Napakabuti niyang babae—hindi ko malilimutan.’’

Magtatanong pa sana si Angel pero tinawag na sila ni Maria para kumain.

“Nakahanda na ang mesa, halina kayong da­lawa.’’

Tinungo nila ang mesa.

“Mamaya na lang natin ituloy ang pagkukuwentuhan ukol kay Mam Dioscora,’’ sabi ni JC.

“Napakabuti pala niyang babae ano?’’

“Oo—walang kasing­buti si Mam, Angel,’’ sabi ni Maria.

“Bihira ang katulad niya na pag-aaralin ang mga katulad n’yo na hindi naman kaanu-ano.’’

“Oo Angel. Kaya nga hindi namin siya makakalimutan ni Kuya.’’

Itutuloy

Show comments