Dioscora (319)

INIHATID ni JC si Angel­ sa tinitirahan nitong con­dominium sa Quezon Ave­nue. Ayon kay Angel, mahigit isang taon na siyang naninirahan dito.

“Bakit wala kang ka­sama rito Angel? Nasan ang parents mo?’’

“Patay na sila pareho.’’

“Kapatid mo?’’

“Dalawa lang kaming magkapatid. Nasa Canada na siya at dun nagtayo ng pamilya.’’

“Boyfriend wala rin?’’

“Di ba kanina ko pa si­nabi na wala? Parang sira ‘to.’’

“So wala ka talagang kasama rito?’’

“Oo. Solo flight ako.’’

“Bakit nga ba wala kang BF? Maganda ka naman at mabait?’’

Nagtawa si Angel.

“E ikaw bakit wala kang GF? Guwapo ka naman at mabait?’’

“Ginagaya mo naman ako. Walang gayahan, he-he-he!”

“Bakit ka nga walang GF? Seyoso na ako.’’

“E sa wala pang nakikita. Pero siguro malapit-lapit na akong magka-GF. Meron na akong nakita…”

“Talaga? Saan mo nakita?’’

Nagtawa si JC.

“Saan mo nakita, JC?’’

Pero hindi sumagot si JC.

“Sige na, JC. Sabihin mo na.’’

Nagsalita si JC.

“Kanina ko lang siya nakita. Dun sa res­tawran sa Recto.’’

Napamulagat­ si Angel. Hindi ma­ka­pagsalita.

“Dati ko siyang ka­klase. Maganda at mabait.’’

Hindi pa rin maibuka ni Angel ang bibig. Shock talaga siya.

“Ang pangalan niya ay Angel—higit pa siya sa isang anghel!’’

Hindi pa rin ma­kapagsalita si Angel. Hindi siya makapaniwala.

Itutuloy

Show comments