“Para ma-checkup ka Lara. Mag-aabsent na ako para samahan ka,’’ sabi ni Dex makaraang pakainin si Lara.
“Huwag na. Kailangan ko lang siguro ang pahinga. Parang naubos ang lakas ko mula pa noong saksakin si King at ngayon naman ay namatay siya.
Nagkadikit-dikit na ang mga problema at hindi na ako makahinga,’’ sabi ni Lara at humugot nang malalim na buntunghininga. Saka nagpatuloy sa pagsasalita.
“Mabuti nga at narito ka Dex. Ano na kaya ang nangyari sa akin kung wala ka. Baka… baka sumunod na rin ako kay King.’’
“Lakasan mo ang loob mo. Lilipas din ang lahat.’’
“Parang nahihirapan akong isipin na lilipas agad ang nangyari sa akin.
Parang pasan ko ang mundo. Mahirap isipin. Nasasabi ko nga sa sarili ko na sana ay pareho na kaming kinuha ni King para wala nang alalahanin pa—wala nang problema at kung anu-ano pa.’’
“Masarap pang mabuhay. Sabi ko nga sa iyo lilipas din ang lahat.’’
“Naisip ko rin Dex na mag-resign na sa trabaho. Puwede bang ikaw na lang ang mag-submit ng resignation letter ko. Hindi ko na talaga kaya. Puwede kaya?’’
“Oo naman. Wala namang magagawa kung ayaw mo na. Pero isipin mo rin muna at baka nabibigla ka lang. Mas maganda kung pag-aralan mo muna.’’
“Ayaw ko na talaga, Dex.’’
“Paano ang balak mo?’’
“Sa ngayon, i-try kong umuwi sa probinsiya.’’
“Sa parents mo?’’
Tumango.
“Akala ko hindi ka na pupunta sa inyo dahil sa nangyari?’’
“Ita-try ko uli, Dex. Wala na kasi akong alam na maaaring gawin.’’
“Sige kung ‘yan ang gusto mo.’’
Nakita ni Dex na umagos ang luha ni Lara. (Itutuloy)