^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (4)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

DOSE anyos siya noon at nasa Grade 6. Namatay ang kanyang ama na isang construction worker. Nahulog sa ginagawang buil­ding sa may Tayuman. Nag-asawang muli ang kanyang ina. Pero mas impiyerno ang pinasok dahil bukod sa tamad ay nambubugbog pa ang napangasawa. At “nagdudurog” pa ang walanghiyang lalaki.

Minsan, habang wala ang kanyang ina, pinasok siya sa banyo habang na­liligo ng walanghiyang lalaki. Gagahasain siya. Naibaba na ang shorts at sasagpa­ngin na siya nang bigla siyang magsisigaw. “Tulungan n’yo ako! Tulungan n’yo ako!’’

Naglabasan ang mga kapitbahay para tulungan siya. Pero dahil sabog sa droga ang walanghiyang kinakasama ng ina niya, nakadampot ng kutsilyo at hinostage siya.

Nagdatingan ang SWAT. Isang magaling na SWAT ang nakakita ng butas sa dingding ng banyo at naa­­sinta ang walanghiya. BANG!

Patay ang walanghiya!

Pero ang magaling niyang ina, sinisi pa siya. Siya raw ang dahilan kaya napa­tay ang kinakasama. Kung hindi raw siya humingi ng saklolo baka buhay pa ang kinakasama. Nagpuyos siya sa galit. “Ginahagasa ako ng lalaki mo kaya ako nagsisigaw!’’

Pero pinag­mumura pa siya!

Mula noon, naging­ lasengga ang ina niya at lagi siyang mi­numura. Sinisisi siya sa pagkamatay ng lalaki nito. Sinasaktan pa siya. Hanggang sa maglayas na siya.

Hanggang mabalitaan niya na nasagasaan ng tren ang ina niya. Lasing habang tumatawid sa riles.

Nagpalabuy-laboy na siya mula noon at nakita nga siya ni Mommy Donna sa harapan ng conve­nient store sa may Doroteo Jose.

 

BIGLANG nagising ang bata na napulot nila. Pupungas-pungas.Hinimas ni Ruth ang noo. Okey naman ito. Hindi na giniginaw.

“Anong pangalan mo?’’

“Coco.’’

“Nagugutom ka?’’

Tumango.

‘‘Sandali lang.’

Kumuha ng pagkain si Ruth sa kusina.

(Itutuloy)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with