Damo sa Pilapil (66)
“BAKIT ako ang magsasabit ng medal mo, Zac?’’ Tanong ni Mam Dulce. “Di ba dapat ang parents mo?’’
“Hindi po sila makakarating Mam. Sila po ang nagsabi na ikaw na lamang ang magsabit ng medal ko. Kung hindi raw po sa tulong mo, hindi ako makakapagtapos ng kolehiyo.’’
“Pero nagsikap ka naman bilang messenger kaya ka nakapagtapos di ba?’’
“Ikaw din po ang nagpasok sa akin bilang messenger kaya malaki ang utang ko sa iyo, Mam.’’
“Okey sige ako na ang aakyat sa stage at magsasabit ng medal mo. Kailan ba ito at saan gagawin ang commencement exercises?’’
“Ibibigay ko po sa’yo ang program Mam.’’
“Okey, congrats uli Zac. I’m so proud of you! Sa wakas, titulado ka na.’’
“Salamat po Mam. Utang ko sa’yo lahat ito.’’
Sumapit ang graduation ni Zac. Sa PICC ginanap ang graduation. Nang tawagin ang pangalan ni Zac ay umakyat din ng stage si Mam Dulce at isinabit ang medal kay Zac.
Ang hindi inaasahan ni Zac ay nang halikan siya ni Mam Dulce. Saglit siyang natigilan sa ginawa ni Mam. Pero makaraan iyon, lalo siyang nakadama nang hindi maipaliwanag na kasiyahan. Noon lamang siya nakaranas nang ganoon.
Kinabukasan, hindi niya inaasahan ang mga naging plano ni Mam.
“Ngayong title holder ka na, hindi na bagay sa iyo ang isang mensahero. Graduate ka na rin sa pagiging mensahero, Zac.’’
“Ano pong ibig mong sabihin, Mam.’’
“Aba kailangan me posisyon ka na sa company.”
Hindi makapaniwala si Zac.
(Itutuloy)
- Latest