Ang Magkakapatid(146)

“ALAM mo, balak kong mag-abroad,” sabi ni Gemo habang hawak ang palad ni Ada. “Para kapag nagpakasal tayo, matatag ang buhay natin. Siguro mga limang taon sa abroad okey na ano. Makakaipon na ako.’’

“Saan mo naman balak?’’

“Sa Dubai. Kasi sabi ng isang kaklase kong nasa Dubai, malaki ang suweldo ng x-ray tech dun.’’

“Pero okey na rin naman dito sa pinagtatra­bahuhan natin di ba?’’

“Oo. Kaya lang gusto ko madagdagan pa ang ipon. Ayaw ko nang kasya-kasya lang. Gusto ko talagang matatag.’’

“E di iiwan mo naman ako. Alam mo naman hindi ako sanay na wala ka. Nasanay na ako na kapag labasan sa ospital ay magkasabay tayo at namamas­yal o kaya’y nagkakape.’’

“Alam mo may naisip ako. Ito naman ay kung payag ka lang.’’

“Ano yun?’’

“Bakit hindi ka rin mag-aplay sa Dubai bilang nurse. E di magkasama rin tayo roon.’’

Natigilan si Ada. Nag-isip. Puwede ang naisip ni Gemo. Hindi sila magkakahiwalay.

“Ano sa palagay mo?’’

“Puwede nga, Gemo. Pero sa palagay mo, ma­ganda sa Dubai?’’

“Ayon sa mga kaibigan ko na naroon na, okey daw. Malalaki na ang sahod ng mga kaibigan ko. Nandun din nga mga wife nila.’’

“Sige pag-isipan ko. Ikunsulta ko kay Kuya.’’

“Plano lang naman itong sa akin.’’

“Pero gusto ko rin, Gemo dahil magkasama tayo. Ayaw ko na kasing ma­pawalay sa’yo.’’

“Kung matuloy at nakaipon tayo roon nang sapat e di uwi na tayo rito at magpakasal. Ano sa palagay mo, swettie pie?’’

“Okey sa akin.’’

Pinisil muli ni Gemo ang palad ni Ada.

 

ISANG umaga, may si­nabi si Ipe kay Ada.

“Balak na naming magpakasal ni Hannah. Baka ngayong year na ito, idaos na namin.’’

“Wow, sige Kuya. Gusto­ ko na ngang magka­pa­mangkin.’’

“Kinukulit na rin kasi kami ng aking biyenan to be. Gusto nang magkaapo.’’

“Sige Kuya. Tapos na naman ang obligasyon mo sa akin.’’

“Oo nga.’’

Sinabi naman ni Ada ang balak na pagtatrabaho sa abroad.

“Aba, okey yan. Sige ituloy n’yo. (Itutuloy)

Show comments