Ang Magkapatid (62)

“HI, Hannah!’’ Kinamayan ni Ipe si Hannah.

“Siya ang bagong boss ng kompanya, Hannah. Pinakabatang naging boss sa kasaysayan ng ac­counting firm.’’

Napangiti si Hannah habang nakatingin kay Ipe.

Nakatingin din si Ipe kay Hannah.

“Malaki kasi ang tiwala ko sa batang ito kaya inirekomenda kong bagong boss. Topnotcher ka sa CPA exams last year, right?’’

“Opo.’’

Napangiti uli si Hannah.

Maya-maya nagpaalam na ito.

“Dad, Mr. John Phillip, maiwan ko na muna kayo. Nice to meet you Sir.’’

“Thanks.’’

Umalis na si Hannah.

“Only daughter ko si Hannah. Magti-take siya ng Law next sem.’’

“Mukha pong nakapakabait at matalino.’’

“Mana sa daddy, he-he-he!’’

Nakitawa si Ipe.

“Aba uminom na tayo. Marami tayong pagkukuwentuhan, John Phillip. Ano nga yung pinagkukuwentuhan natin kanina bago dumating si Hannah?’’

“Tungkol po sa father ko.’’

“Ah oo. Sabi mo, hindi man lang kayo tinulungan ng inyong father at nagsikap kayong magkapatid na tumayo sa sariling paa.’’

“Opo. Gaya nang naikuwento ko po sa iyo nung ininterbyu mo ako, dati akong tindera ng gulay sa palengke at crew sa isang fastfood. Nang masunog ang palengke, bumili ako ng segunda manong copier at iyon ang ginamit ng sister ko para madagdagan ang kita. Awa po ng Diyos, nakaraos kami at nakapagtapos ako. Pinag-aaral ko ng nursing ang kapatid ko.’’

“Anong name ng sister mo?’’

“Ada po.’’

“Gustung-gusto kong marinig ang kuwento ng buhay mo John Phillip. Kahit narinig ko na noon pa, hindi ako nagsasawa. Kasi, nakita ko ang aking sarili sa iyo. Nag-gasoline boy naman ako. Katulad mo, nagsumikap din ako para makapag-aral at makapagtapos. Mahirap din kami. Walang-wala. Ang kaibahan lamang ay mayroon akong ama at ina na nagtuturo. Ikaw, wala kaya hangang-hanga ako sa iyo. At ang nakakahanga pa, nagtapos ka nang may karangalan. Nag-top sa CPA exams. Iba ka John Phillip.”                   (Itutuloy)

Show comments