HINDI napigil ni Jose nang kumalong sa kanya si Jam. Nabigla siya sa ginawa nito. Parang bata si Jam habang nakakalong sa kanya pero hindi siya tumanggi o nagpakita ng pagtutol. Alam niya, mamaya-maya lamang ay maghihilik na ito dahil sa kalasingan. Hindi na siya magpapakita ng pagtanggi o pag-ayaw.
“Mahal moh bah talagah akoh, Joey Bhoy,” tanong ni Jam habang nakakalong. Halos nakadikit ang mga suso nito sa dibdib ni Jose. O sadyang kinikiskis ni Jam ang mga iyon. Pero walang nararamdaman si Jose na anumang pagnanasa.
“Oo mahal kita. Di ba kaya nga ako sumama sa iyo.’’
“Halikan moh akoh. Sabi moh hahahalikan moh akoh.’’
“Teka at sa-shot uli ako.’’
“Mamayah nah. Halikan moh munah akoh, Joey Boy, hik!’’
Napalunok si Jose. Mukhang wala na siyang kawala kay Jam. Nakakalong kasi sa kanya at mahirap nang makaiwas. Sabagay, halik lang naman. Pagbibigyan na niya ang “baliw” na babae. Mamaya-maya lang hihilata na ito sa sopa at maghihilik.
“Parang hindih kah nalalashing Joey Boy. Hindih kah yatah umiinom,’’ sabi ni Jam ay nilaro ng daliri ang labi ni Jose. Nakikiliti si Jose sa ginagawa ni Jam pero pinigil niyang huwag mapatawa.
“Anong hindih, lashing na akoh, Jam. Gusto koh nah ngang matulog. Ang damih koh nah yatang nainom, hik.’’
“Nilolokoh moh yata ako Joey Boy.’’
“Hindih, lashing na talagah ako.’’
Nang bigla siyang halikan sa labi ni Jam. Sapol na sapol ang labi niya. Marahas ang pagkakahalik sa kanya ni Jam. Hindi naman siya makatanggi sapagkat mahahalata siyang umaarte o nagdadrama lang. Pinagtiyagaan na niya ang labi ni Jam. Kaunting tiis na lang at bubulagta na si Jam sa kalasingan. Kaunti pang tiis!
Idiniin pa ni Jam ang labi sa labi ni Jose. Mainit na mainit ang labi nito. Parang baga sa init. Hanggang maramdaman ni Jose na masarap humalik si Jam. May kiliti. Parang natatangay siya sa ginagawa ni Jam!
(Itutuloy)