Black Widow (108)

“MABUTI hindi nagalit o nagtampo si Jam nang tanggihan mong samahan sa Baguio?’’ tanong ni Marie kay Jose.

“Sabi ko walang kasama si Iya sa bahay at wala ring maghahatid-sundo sa school. Ganun lang kasimple ang sinabi ko.’’

‘‘Anong say niya?’’

“Walang reaksi­yon pero sa tingin ko, dismayado.’’

‘‘Bakit ba kaila­ngan pa niyang mag­pasama sa’yo? Kahit naman first time pa lang sa Baguio, madali lang namang matutuhan dahil lang maliit lang dun di  ba?

‘‘Oo. Hindi ko nga maintindihan si Jam kung bakit kailangan pang magpasama.’’

“Hindi kaya may gusto sa’yo si Jam?’’

Napangiti si Jose.

“Wow naman!’’

‘‘Hindi mo nahahalata?’’

Umiling si Jose. Nakangiti pa rin.

‘‘Kasi, marami na akong napapansin kay Jam kapag magkasama kayo. Una ay nung malasing siya na pilit kang hinahalikan. Ikalawa ay nang mag-outing tayo sa Pinamala­yan beach. Di ba niyayakap ka at todo dikit pa ang katawan sa’yo, tapos ay eto ngayon na gusto kang isama sa Baguio.’’

“Masyado lang sigurong malapit sa akin ang kaibigan mo.’’

‘‘Hindi ka natu­tukso lalo na nung nasa beach tayo. Halos idikit na ang suso sa mukha mo.’’

“Hindi.’’

“Bakit?’’

“Wala akong nara­ramdaman.’’

‘‘Talaga?’’

‘‘Sa’yo nga lang ako may nararamdaman.’’

‘‘Mag-uumpisa ka na naman.’’

“Bukas, kumain tayo sa bagong bukas ang chicken house sa Trinoma.’’

“Birthday mo na naman?’’

“Hindi. Type ko lang kumain. Tapos magkuwentuhan tayo.’’

“Aprub.’’

“Magkita tayo ng 6:00 p.m.’’

KINABUKASAN, maagang dumating si Marie sa tagpuan nila. Pero isang oras na ang nakalipas, wala si Jose. Ni walang tawag o text.

Nang mag-7:30 ipinasya ni Marie na umalis na. Pero dumating si Jose. Nakita ang pag-alis niya.

Hinabol siya.

“Marie, hintay!’’

(Itutuloy)

Show comments