Black Widow (52)
NAGPAIKUT-IKOT at sinipat-sipat ni Marie ang sarili sa salamin. Tama ang kaibigan niyang si Jam na sa kabila na isa siyang biyuda sa tatlong lalaki, kaakit-akit pa rin siya. Hindi siya binobola ng kaibigan. Kapag sinabi nito ay naniniwala siya. Kaya naman, mahal na mahal niya ang kaibigan. Kahit pa ano ang ginawa nito, hindi masisira ang pagmamahal niya rito bilang kaibigan.
Muling pinagmas- dan ni Marie ang sarili sa salamin. Kahit mayroon na siyang anak, may porma pa rin ang katawan niya. Malusog na malusog ang “boobskie” niya. Hindi pa gaanong laspag. Palatandaan na hindi gaanong nasalanta kahit na tatlong bagyo na ang nanalasa. Nakatayo pa rin. Mayabang pa rin sa pagkakatindig. At saka lihim na nagtawa si Marie. Hindi siya nagbubuhat nang sariling bangko. Kahit tatlong lalaki na ang nagdaan sa kanyang buhay, hindi pa salanta ang kanyang katawan. Sariwa pa rin siya.
Pinagmasdan niya ang kanyang kutis. Wala pa ring pagbabago. Maputi at makinis pa rin siya. Alagang-alaga kasi niya. Hindi siya gumagamit ng kung anu-anong pampaganda na kadalasang sumisira sa kutis. At palagay niya kaya napapanatili niya ang angking ganda ay dahil masayahin siya. Bukod doon ay kumpleto siya sa tulog at la-ging umiinom ng tubig.
Pinagmasdan muli niya ang katawan. Flat na flat ang kanyang puson. Wala siyang taba sa tagiliran. Kadalasan, kapag nanganak na ang babae ay nagkakaroon ng bilbil, siya ay wala. Talo pa nga niya ang ibang dalaga na nagmumura ang bilbil sa tagiliran.
Hindi nakakahiya ang kanyang katawan at taas-noo siyang nakakapagmalaki.
NANG mga sumunod na araw ay inaaba-ngan ni Marie kung may ikukuwento ang anak na si Pau tungkol sa daddy ni Iya. Gusto niyang ma-laman kung naitanong na niya kay Iya kung ano ang name ng daddy nito.
Pero walang nababanggit si Pau. Baka kaya nakalimutan na ang tungkol doon. Pero paano naman niya itatanong dito. Baka paghinalaan pa siya ng anak na may gusto sa daddy ni Iya. Matalino at matalas ang pakiramdam ni Pau.
Gayunman, nag-isip si Marie ng paraan kung paano malalaman ang pangalan ng daddy ni Iya.
(Itutuloy)
- Latest