NAALALA ni Mau, minsan ay may sinabi si Tatang
Dune o Kastilaloy sa kanya ilang araw mula nang kupkupin ito. Nabanggit na mayroon daw itong anak pero hindi nito makasundo. Nagpa-labuy-laboy na lang. Hindi naman naitanong ni Mau kung babae o lalaki ang anak. Kasi’y parang ayaw ding magsalita ukol dun si Kastilaloy.
“Hindi po kaya nasa Spain ang mga kamag-anak ni Kastilaloy, Tito?” tanong ni Gaude.
“Dun galing ang lahi niya siguro. Kasi’y kitang-kita naman sa itsura na lahing Kastila. Ang mahirap ay hindi natin alam kung nasan ang kamag-anakan niya rito sa Maynila. Maganda sanang makita sila para malaman ang buong istorya ng buhay niya.’’
“I-try kong hanapin, Tito Mau.”
“Paano?”
“I-post ko sa Facebook. Baka sakali may makakilala.’’
“Sige. Puwede. Pero bago mo i-post, kailangang makita natin ang remains niya. Di ba sabi mo Tatang Kandoy nasa punerarya ang bangkay?”’
“Oo. Nakita ko nang dalhin ang sunog na katawan.’’
“Hanapin n’yo Tatang Kandoy at mabigyan ng desenteng libing. Ang gagastusin natin ay ang mga itinago niyang barya.’’
“Oo Mau. Pupuntahan ko ang pune-rarya.’’
“Kahit na masama ang ginawa niya sa akin, kinalimutan ko na ‘yun. Mahirap ang may kinikimkim. Maikli ang buhay kaya dapat gawin na
ang pagpapatawad.’’
(Itutuloy)