“TAMANG-TAMA na siguro ang bahay na ‘yan ano, Tata Kandoy?’’ Tanong ni Mau habang nakatingin sa ginagawang bahay.
“Sobra-sobra pa yan Mau. Ang laki na siguro nang nagagastos mo.”
“Balewala yun, Tatang. Gusto ko magandang-maganda ang bahay natin. Parang makatikim naman tayo nang maayos-ayos na tirahan.’’
“Oo nga, Mau. Gusto ko na ring makatikim nang malambot na higaan at gusto ko sana, makapanood sa malaking TV, he-he-he!”
“Matutupad ang wish mo, Tatang. Ikaw pa e kung hindi dahil sa’yo baka abo na ako ngayon. Utang ko sa iyo ang aking buhay.’’
“Kow para yun lang e.’’
“Tinatanaw kong malaking utang na loob ang pagliligtas mo sa akin. Itinaya mo nga ang buhay para mailabas ako sa nasusunog na bahay. Mabuti nga at hindi ka nadisgrasya.’’
“Mabuti kasi ang intensiyon ko Mau – ang mailigtas ka. Talagang hindi kita natiis nang nasusunog na ang bahay. Salamat sa Diyos at nailigtas kita. Napatunayan ko na malakas pa rin ako dahil nagawa kitang hilahin palabas ng bahay. Kapag pala sa oras nang pangangailangan ay bigla tayong lumalakas.’’
“Akala ko talaga, patay na ako. Ang dami ko nang nalanghap na usok. Mabuti na lang hindi na-damage ang lungs ko.’’
“Wala ka na ngang malay. Palagay ko sa kuwarto mo nagsimula ang apoy. Doon nagsindi si Lyka at saka gumapang ang apoy nang mag-leak ang gas sa kusina.’’
“Palagay ko nga Tatang. Talagang papatayin ako.’’
“Pero nagba-yad na rin si Lyka at malagim pa ang naging wakas.’’
Bina-lingan ni Mau si Gaude. “Bukas, mag-withdraw ka uli ng pera sa banko. Bibili na tayo ng mga bagong gamit sa bahay --- TV, ref, wa-shing machine, oven at iba pa. Pawang bago.’’
“Opo Tito Mau.’’
“Mga isang buwan na lang siguro at tapos na ang bahay ano, Gaude?”
“Baka hindi na po abutin, Tito . Sabi ng contractor baka two weeks na lang.’’
“Bah mas maganda! Makakalipat agad tayo.’’
“Oo nga Tito.”
MASAYANG-MASAYA si Gaude. Bago pumasok sa school, dumadaan muna siya sa ginagawang bahay. Napakaganda ng bahay at malaki.
Nag-iisip si Gaude kung bakit nagpagawa nang ganoon kalaking bahay si Mau e iilan lang naman silang titira roon. Nahihiwagaan siya sa mga balak ni Mau. Palagay niya may sorpresa si Mau kung bakit ganoon kalaki ang bahay.
Tama si Gaude, mayroon ngang balak si Mau – magandang balak.
Isang araw, bago siya pumasok sa school ay may sinabi sa kanya si Mau. (Itutuloy)