^

True Confessions

Sinsilyo (244)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“S-SARADO na ang kaso kung ganoon,’’ sabi ni Mau makaraang ibalita ni Gaude na nagbigti sa jail si Lyka.

“Para raw pong nasi-raan ng bait. Kung anu-ano raw po ang sinasabi. Kung minsan, tawa raw nang tawa. Madalas daw sumi­sigaw at ang Yamashita Treasure ang laging sinasabi. Sa kalaliman ng gabi ay sisigaw nang sisigaw at ang sabi ay maghahanap siya ng kayamanan.’’

“T-talagang malaki ang kanyang pagnanais sa kayamanan. Maski wala na sa katinuan ay kayamanan pa rin ang naaalala.’’

Dumating si Lolo Kandoy at nalaman din ang nangyari kay Lyka.

“Wala na pala ang ating problema kung ganoon. Napadali ang sentensiya sa kanya.’’

“Siya na po ang nagsentensiya sa sarili, Lolo.’’

“Oo nga.’’

“Mabuti naman at wala nang magbabanta sa buhay natin. Matatahimik din tayo sa wakas.’’

“Oo nga T-tata K-kandoy,” sabi ni Mau.

“Wala ka bang alam kung taga-saan si Lyka, Mau?”

“W-wala po Tata Kandoy. Hindi na ako nagta­nong sa kanya nung ma-dampot ko siya sa KTV sa Pasay. Nagandahan kasi ako sa kanya at iyon nga “magaling” sa kama. Wala nang tanung-tanong.’’

“Hindi man lang niya na­banggit kung saang probinsiya nanggaling?’’

“May nabanggit na lugar – Bula pero hindi ko binigyang pansin. Basta ang mahalaga sa akin ay mayroon na akong kaulayaw sa gabi. At iyon nga, natuklasan kong sobra ang hilig sa kama. Ayaw ko na ay gusto pa niya. Talagang sinasaid ang laman ng bumbong. Grabe!”

Nagtawa si Lolo Kandoy. Nakangiti lang si Gaude.

Nang may mapansin si Lolo Kandoy.

“Aba Mau, deretso ka nang magsalita ah. Hindi ka na bulol!”

“Mahusay ang speech therapist ko, Tata Kandoy. Mabuti naman at malinaw na akong magsalita. Eto na lang peklat ko sa mukha at katawan ang ikinahihiya ko. Pero siguro matatanggap ko rin ito pagdating ng araw. Dapat kong tanggapin ang kapalaran ko.’’

“Oo nga. Basta huwag kang mawawalan ng pag-asa. Malay mo baka pagdating ng panahon ay puwede nang palitan ang mga balat na nasunog.’’

“Sana nga po, Tata  Kandoy.’’

“Basta ang magandang balita sa ating tatlo ay wala na ang babaing banta sa ating buhay.’’

“Oo nga po.’’

Pagkaraan ay binali-ngan ni Mau si Gaude.

“Gaude, asikasuhin mo ang pagpapagawa ng pla­no sa ipatatayo nating bahay ha? Humanap ka nang mahusay na arkitekto at nang masimulan na ang bahay. Kahit magkano, bayaran natin. Gusto ko mga apat na palapag na bahay. Sasagarin na natin ang laki ng lote.’’

“Bah, malaki yun Mau!’’

“Opo. Gusto ko’y ma-laki.’’

“Sige po Tito Mau. Bukas na bukas din, haha­nap ako.’’

“Walang problema sa pera. Kahit ilang milyon ang magastos, okey lang.”

Agad ngang naghanap ng arkitekto si Gaude. Natapos agad ang plano. Aprub kay Mau.

Sinimulan agad ang bagong bahay.

Tuwang-tuwa silang tatlo habang ginagawa ang bahay.

“Tama na siguro yan sa atin ano?’’

“Opo Tito Mau.’’

“Ang laki niyan Mau! Ang ganda!” sabi ni Lolo Kandoy.

(Itutuloy)

ABA MAU

KANDOY

LOLO KANDOY

LYKA

MAU

NANG

OO

TATA KANDOY

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with