^

True Confessions

Sinsilyo (197)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAPAARING-KING si Tata Kan­doy sa sakit dahil sa pagsipa ni Kastilaloy. Masakit dahil matigas ang tsinelas ni Kastilaloy at tumama sa bahaging tuhod.

“Aray ko po! Aray ko po!”

“Estupido ka! Alam ko umaarte ka lang, tonto.”

Nakangiwi pa si Tata Kandoy nang magsalita.

“Hindi ako umaarte, Dune. Talagang masakit, aray ko po!”

“Umalis ka na at baka sipain uli kita. Magpalimos ka ngayon. Huwag kang papalya. Kailangan ko ng mga barya. Maraming barya!”

“Marami namang barya sa kuwarto mo Dune.”

“Tonto hindi akin ‘yun!”

“E kanino?’’

“Kay Lyka.’’

“Bakit kay Lyka?”

“Ba’t ba inuusisa mo, tonto?”

“Wala naman Dune. Naitanong ko lang.’’

“Sige umalis ka na.’’

“Mga gaano ba karami ang kailangan mong barya, Dune?”

Nagtawa si Kastilaloy. “Bakit bibigyan  mo ako, he-he!”

“Hindi. Ano naman ibibigay ko e wala naman akong malaking pera.

“Ba’t mo nga naitanong, tonto?”

“Wala naman.” “Kung sabihin ko sa’yo na apat na sakong barya ang kailangan ko. Ganun karami ang gusto ni Lyka.’’

Tama ang hinala ni Tata Kandoy. Si Kastilaloy ang naglagay ng mga basyo ng sako sa ilalim ng kanyang katre. Humanda ka, Kastilaloy.

(Itutuloy)

ALAM

ARAY

BAKIT

KASTILALOY

KAY LYKA

LYKA

SI KASTILALOY

TATA KAN

TATA KANDOY

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with