^

True Confessions

Sinsilyo (187)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HUWAG ka namang atat. Para ka namang mauubusan,” sabi ni Lyka kay Kastilaloy.

“E kasi’y sabi mo dito tayo sa kuwarto n’yo para ayos.’’ “Kasi nga, maali-kabok sa kuwarto mo.’’

“O e di sige, maghihintay ako. Basta sabihin mo lang kung ready ka na. Basta ako ready na, he-he!’’

Nag-iisip si Lyka nang maidadahilan para hindi maipahipo kay Kastilaloy ang boobski niya. Ayaw niyang madampian ng kamay ng matanda ang kanyang boobski. Puwedeng silipin iyon pero hindi puwedeng hipuin ng gurang na tulad ni Tatang Dune Kastilaloy. Pero wala yata siyang maiisip na dahilan para makaiwas sa matandang mahilig. Kapag hindi siya nakaisip nang paraan sa maikling sandali, tiyak na lalamutakin siya nang matanda. Yak!

“Ano Lyka, puwede na?’’

Nagulat si Lyka. Kulit naman ng matandang ito, bulong niya.

“Teka at patutuyuin ko muna ang katawan ko. Sandali lang ha?” sabi at pumakabila siya sa kurtina ng bintana. Kunwari ay tinutuyo niya ang katawan ng towel pero nag-iisip siya ng dahilan para makaiwas sa panghihipo ng matanda.

Nang biglang tumunog ang cell phone niya. May nag-text. Yun ang sagot sa hi­ling niya. Bigla niyang dinampot  ang cell phone na nakapatong sa head board ng kama. Nakatingin si Kastilaloy. Hinabol siya ng tingin.

Agad niyang binasa ang message. Napakunot ang noo niya.

“Naku, nag-text si Mau, parating na siya!’’

Hindi makapagsalita si Kastilaloy. Pero halatang inis.

“Malapit na siya!”

“Sinberguenza!” Nasabi ni Kastilaloy. “Akala ko ba ilang araw siyang mawawala. Bakit dara-ting na?’’

“Hindi sinabi. Basta ang sabi, darating siya at malapit na!”

“Letse naman!’’

“Sa ibang araw na lang Tata Dune. Delikado kang mahuli rito. Tiyak na magagalit si Mau kapag inabot ka rito.”

Nakatingin lamang si Kastilaloy. Parang nagdududa kay Lyka.

“Malapit na siya Tatang Dune.”

“Baka niloloko mo ako, Lyka.’’

“Hindi kita niloloko. O basahin mo ang text niya.”

“Hindi ako marunong magbasa niyan.’’

“Parating nga siya.’’

“Kapag hindi siya dumating, may mangyayari, Lyka.’’

Kinabahan si Lyka. Nagbabanta na ang tusong matanda.

Lumabas na si Kastilaloy. Kinabig ang pinto. Malakas. Kumalabog.

(Itutuloy)

ANO LYKA

KAPAG

KASTILALOY

LYKA

MALAPIT

NAKATINGIN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with