Sinsilyo (25)

“BUKAS, magbayad ka na ng tuition. Naipabuo ko na ang mga barya na isinupot mo,” sabi ni Mau. ‘‘Agahan mo na ang pagpunta roon at aalis naman ako ng tanghali.’’

“Opo Tito Mau.’’

“Di ba malapit lang ang school?’’

“Opo. Fifteen minutes lang lakarin.’’

“Mabuti yang malapit para kung gutumin ka puwede kang umuwi at kumain ng bahaw.’’

Nagtawa si Gaude.

“Kung masipag lang akong mag-aral baka nakatapos din ako kahit paano, kaso tamad akong magsaulo. Hindi ko kaka-yanin.’’

“Pero nakaabot ka po ng college?’’

“Isang sem lang, tumigil na ako.’’

‘‘Saan ka po nag-aral?’’

“Dun sa isang unibersidad sa Quiapo. Crimino-logy. Magpupulis sana ako kung nakatapos.’’

‘‘Sayang.’’

“Sabagay kung naging pulis ako baka mapasama ako sa mga nangongotong at walanghiyang pulis. Ang daming buwayang pulis ngayon.’’

‘‘Nagtrabaho ka na po nang tumigil sa pag-aaral?’’

‘‘Oo. Natanggap akong messenger sa isang kompanya sa Intramuros. Naka-limang taon din ako roon. Hanggang sa maging kaibigan ko ang isang Intsik at ginawa akong  alalay. Naging fami­ly drayber ako. Ang tagal ko sa Intsik na iyon. Pero namatay din. Ang maganda, pinamanahan ako ng kaunti, ibinili ko ng bahay ito ngang tirahan natin. Mura pa ito noon. Yung may-ari nito, kaibigan din ng amo kong Intsik kaya napamura ang bili ko.’’

“Hindi ka na po nag­ha­nap ng iba pang trabaho?’’

“Hindi na. Nag-iisa lang naman ako noon. At saka may kaunti pa ring ipon kaya dito lang ako sa bahay. Hanggang sa magsulputan nga ang mga alaga kong matanda. Parang mga pusang sumulpot. Hindi ko naman maitaboy.’’

(Itutuloy)

 

Show comments