Sinsilyo (12)
“OPO, Lolo Kandoy, araw po ng suweldo bukas,’’ sabi ni Gaude.
“Bukas nga ang sche-dule ng paglabas ko.’’
“Saan ka po pupunta?â€â€™
Sasagot na sana si Lolo Kandoy pero biglang pumasok ang isa pang matandang lalaki. Mukhang inis kay Lolo Kandoy.
“Sa iyo ang salawal na nasa kubeta ano?’’ sabi ng matandang dumating at nakaturo ang daliri.
“Ewan ko!â€
“Ikaw ang huling gumaÂmit ng kubeta. Alisin mo ang salawal doon at mabaho. May tae pa yata!â€
“Hindi nga akin yun!â€
“Kanino yun?â€
“Ewan ko!â€
“Alisin mo ‘yun!â€
“Hindi nga sa akin yun!â€
“Halika, tingnan mo. Isasaklob ko sa mukha mo ‘yun!â€
“Kapag hindi sa akin, sa iyong mukha ko isasaklob ‘yun!â€
Hinila ng matanda si Lolo Kandoy. Walang nagawa si Lolo Kandoy sa paghaltak ng kapwa matanda. Siguro’y nagpapasensiya na si Lolo Kandoy sa matanda kaya sumama na ito sa pagtungo sa kubeta. Para matapos na ang gulo kaya siya sumama. Mukha namang mapagpa-sensiya si Lolo Kandoy.
Naiwan si Gaude na napangiti sa nangyari sa dalawang matanda. Sayang at hindi nasagot ni Lolo Kandoy ang tanong niya kanina na saan ito nagpupunta kapag lumalabas. At bakit kaya nasabing suweldo bukas? Baka mayroon siyang inasa-hang suweldo? Baka naman mayroong kamag-anak na pupuntahan bukas at bibigyan siya ng pera dahil nga araw ng suweldo. Baka nga.
Hinintay ni Gaude ang pagbalik ni Lolo Kandoy pero hindi na bumalik. Baka nag-uusap pa sila nang nagalit na matanda. Baka pinagpipilitan pa ng matanda na kay Lolo Kandoy ang salawal na naiwan sa kubeta. Hindi naman siguro magsisinu-ngaling si Lolo Kandoy. At hindi pa naman siguro siya makakalimutin o ulyanin para maiwan ang salawal na ayon sa matandang bugnutin ay mabaho dahil may tae.
Nagluluto na nang hapunan si Gaude nang maÂrinig ang kalantog ng gate. Alas sais na ng gabi. Sinilip niya sa bintana. Ang dalawang matanda na umalis kanina. Ang isang matanda ay may dalang bag. Mukhang may laman ang bag. Ang isang matanda naman ay halatang matamÂbok ang bulsa ng shorts. Ano kaya ang laman ng bag at bulsa ng dalawang matanda?
Nakita si Gaude ng daÂlawang matanda nang puÂmasok ang mga ito. TiningÂnan lang si Gaude at nagtuloy na ang mga ito sa bahay sa likod. Amoy araw ang dalawang matanda. Mukhang nababad sa init.
(Itutuloy)
- Latest