^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (439)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“OPISYAL pala ng Saudi Navy ang father mo, Sam, ibinalita sa akin ng kaibigan ko. Mataas daw ang posisyon sa navy,’’ pag­kukuwento ni Tita Imelda.

“Ang galing naman ng kaibigan mo, Tita Imelda. Nakapag-research kaagad siya.’’

“Kaibigan na nga niya ang Indonesian maid sa bahay ng mga magulang ni Abdullah.’’

“Ibig sabihin hindi na sa bahay na iyon nakatira ang aking ama, Tita?’’

“Hindi na raw, sabi ng kaibigan ko. May sariling pamilya na at dumadalaw lang daw kapag weekend sa bahay.’’

“Pero buhay pa ang mga magulang ng father ko?’’

“Buhay pa raw pero matatanda na.”

“Yung mga mata-tanda na yun ang talagang amo ni Mama di ba?’’

‘‘Oo. Yun ang mga lolo at lola mo.’’

Napatangu-tango si Sam.

“Hindi ba naging malupit kay Mama ang mga amo niya?’’

“Sa pagkukuwento ng mama mo sa akin, malupit ang babaing amo. Kung minsan ay walang pahinga lalo na kapag Biyernes. Marami kasing bisita sa bahay kapag araw na iyon. Maraming hinuhugasang pinggan. Maraming nililinis.’’

‘‘Yung lalaking amo, malupit din?’’

“Wala namang sinabi ang mama mo sa akin nun ukol sa lala-king amo. Pero nung tumakas na siya sa bahay at nakausap ko sa embassy, para raw pinagtangkaan din siya ng among lalaki.’’

‘‘Pinagtangkaan ding gahasain?’’

“Parang yun ang sinasabi niya. Kaya lang ay hindi na natuloy dahil tumakas nga siya. Buntis na nga siya nun.’’

“Pero sabi mo ay hinahanap si Mama sa embassy ng aking amang si Abdullah. Totoo ba ‘yun? Hindi kaya yung among lala­ki o ama ni Abdullah ang naghahanap kay Mama.’’

“Ang sabi sa akin ng babaing nakasama ng mama mo sa shelter sa embassy, bata pa raw at guwapo ang naghahanap na Saudi. Kaya nga ang hula ko, yung father mo ang naghahanap. Hindi nga lang nalaman kung bakit hinahanap ang mama mo.’’

Napabuntunghini-nga si Sam. Napatangu-tango pagkatapos.

“Anyway, Tita, salamat sa ginagawa mo ukol sa pagtatanong mo sa aking ama. Siguro tama na ang impormasyon na nalaman ko ukol sa kanya.’’

‘‘Huwag na akong magtanong pa ukol kay Abdullah?’’

“Opo Tita. Tama na po. At balak ko, ngayon ka na umuwi sa bahay. Gusto ni Aya, sa bahay ka na tumira. Okey Tita.’’

“Sige Sam. Pero paano ang mga gamit ko sa bahay.’’

“Saka na lang natin, puntahan. Gusto ni Aya na mayroon siyang kasama sa bahay dahil naglilihi na siya. Magi-ging father na ako, Tita Imelda.’’

“Talaga? Congrats Sam.’’

‘‘Kahapon, ang sama ng pakiramdam niya. Nahihilo siya. Sabi nga niya, kung may kasama siya, mapapa­natag siya. Wala kasi ang mga inlaws ko, nasa ibang bansa…’’

“Ganun ba? Sige, sa inyo na ako titira mula ngayon. Maa-lagaan ko ang asawa mo.’’

Tuwang-tuwa naman si Aya nang makita si Tita Imelda. Welcome na welcome ito sa bahay ng mag-asawa.

 

LUMIPAS pa ang ilang buwan at halata na ang ipinagbubuntis ni Aya. Alalang-alala si Sam kapag may idinadaing ang asawa.

(Itutuloy)

ABDULLAH

AYA

BAHAY

CONGRATS SAM

MAMA

PERO

SIYA

TITA

TITA IMELDA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with