^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (425)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SAAN ba tayo pupunta, Aya?’’ tanong ni Doc Paolo.

“Sa paborito mong res­taurant. Tiyak na masisiyahan ka. Matitikman mo ang paborito mong pagkain, paboritong music at marami pang iba?”

“Kinakabahan na ako sa ginagawa mong ito, Aya.’’

“Huwag kang kabahan, Papa.’’

“May nararamdaman kasi akong kakaiba.’’

“Malapit na tayo Papa.’’

“Kung doon tayo sa paborito kong restaurant, bakit iba yata ang lugar na pinupuntahan natin?’’

“Lumipat na sa ibang lugar ang restaurant. Mas maganda ang lugar nga-yon at mas masarap ang pagkain. Na-research ko na sa internet ang bago nilang lugar at ang mga bagong putahe, etcete-ra…”

“Sige, ikaw na ang bahala,  Bossing.’’

Nagtawa si Aya.

Nagpatuloy sila sa pag­lalakad.

Hanggang sa makara-ting sila sa lugar. Mangha si Doc Paolo. Ito nga ang restaurant na paborito niya pero nagbago na ang logo. Iba na rin ang design at kulay. Mas maganda ang pagkakagawa.

“Eto na tayo Papa. Halika na sa loob.’’

Pumasok sila. Malamig sa loob. Wala pang gaanong tao. Sinalubong sila ng isang babaing crew.

“Tuloy po kayo,” sabi.

Luminga-linga si Aya. Ayun! Nasa dulo.

“Halika Papa!”

“Parang wala pang tao,” sabi ni Doc Paolo.

Naglakad sila.

Habang papalapit, nakatingin si Doc Paolo sa dalawang taong nasa mesa. Nakatingin din sa kanila ang dalawa.

Nang makalapit sila, hindi makapaniwala si Doc Paolo sa nakita.

“Sophia!” sabi niya.

Si Dra. Sophia ang nakita niya. Katabi nito si Sam na nakangiti lamang. Si Dra. Sophia ay hindi naman malaman ang gagawin. Nagulat din siya. Parang nagkagulatan sila sa hindi inaasahang pagkikita.

“Maupo ka Papa. Gusto ko sa tabi ni Tita.’’

Pero hindi makakilos si Doc Paolo. Para bang nanigas ang mga binti.

“Sige na Papa.”

Saka lamang naupo si Doc Paolo. Nakatingin pa rin kay Dra. Sophia. Si Doktora naman ay hindi makatingin. Nahihiya.

“Sophia, kumusta?” tanong ni Doc Paolo.

Tumingin si Doktora kay Doc Paolo.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

DOC

DOC PAOLO

DRA

HALIKA PAPA

NAKATINGIN

PAOLO

SI DOKTORA

SIGE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with