Halimuyak ni Aya (332)

“HAHALIKAN kita kapag hindi masarap yang niluluto mo,” sabi ni Sam at nilapitan si Aya habang hinahalo ang ulam sa kaserola. Isinalikop ang dalawang kamay sa baywang nito. Maliit ang baywang ni Aya. Hinalikan ni Sam ang mahabang buhok at nasamyo niya ang bango. Bagong paligo si Aya. Walang reaksiyon si Aya sa ginagawa ni Sam. Pero nang idiin ni Sam ang paghalik sa kanyang batok, nagbiro na ito.

“Sam baka tayo makalimot, may usapan tayo. Kaunting pigil…’’

Lumuwag ang paghawak ni Sam sa baywang ni Aya. Inilayo ang bibig sa mahabang buhok.

“Gusto ko lang ipadama na mahal kita. Salamat sa ginagawa mo na ipinagluluto pa ako. I love you.’’

“Salamat, Sam. I love you too.’’

“Kaya ko pang magtiis.”

“Kaya ko rin, Sam.’’

“Huwag ka na kayang mag-shorts kapag narito sa unit ko.’’

Nagtawa si Aya.

“Bakit naman?’’

‘‘Kasi kapag nakikita ko ang maganda at makinis mong legs, hindi ako mapakali. Parang natutukso akong hipuin, ha-ha!’’

Napahagalpak naman si Aya.

‘‘E di huwag mong tingnan.’’

“Puwede ba yun?’’

‘‘Oo. Huwag mong ibababa ang mga mata mo.’’

“Mahirap yun. Huwag ka nang mag-shorts ha?’’

“Okey po. Kung yun ang gusto mo po. Sige, magpalit ka na ng damit at mag-lunch na tayo. Ang sarap nitong niluto ko. Menudo. Masisiyahan ka.’’

Nagpalit ng damit si Sam.

Pagbalik niya sa kusina, nakahain na. Naamoy niya ang mabangong kanin, menudo, relyenong bangus at may buko pandan.

“Ikaw lahat ang nagluto niyan?’’

“Sino pa ba?’’

“Bilib na ako.’’

‘‘Nag-aaral na ako para kapag mag-asawa na tayo e sanay na ako. Siyempre magpu-full house wife na ako. Aalagaan na lang kita at mga anak natin.’’

‘‘Oo. Yan din ang sasabihin ko sa’yo. Hindi mo na kailangang mag-work. At s aka kahit hindi ka magtrabaho, hindi ka magugutom. Ang dami mong pera na pamana ni Mama Brenda.’’

‘‘Di ba parehas tayo. Marami ring naiwang pera sina Lolo at Lola di ba?’’

Kumain na sila.

Sinubuan ni Aya si Sam.

‘‘Eto tikman mo. Masarap.’’

(Itutuloy)

Show comments