^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (292)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“WALA silang anak, Aya!”

Iyon ang ibinalita ni Sam kay Aya nang umuwi ng hapon na iyon.

Hindi makapagsalita si Aya. Parang nawalan ng dila. Shock.

“Pero ang sabi niya sa akin ay may anak sila ng asawang doktora.’’

“Yun din ang sabi ni Dok Paolo sa akin nang una kaming mag-usap.’’

“Bakit daw walang anak?”

“Hindi sinabi ng drayber. Pero tiyak na si Doktora ang may deperensiya at hindi si Dok Paolo. Ikaw ang ebidensiya di ba?”

Napabuntunghi-ninga si Aya.

“Bakit hindi sila nag-ampon?”

“Siguro umaasa pa rin ng himala. Baka nga naman matiyempuhan.’’

Napatango na lang si Aya.

“Alam mo nang malaman ko na may “kabit” si Doc Paolo, bigla akong naawa kay Dra. Sophia.’’

“Malay mo naman kung mayroon pang ibang dahilan kaya sila naghiwalay. Baka nagger ang doktora o kaya ay selosa.’’

Si Sam naman ang hindi makapagsalita. Baka nga. Posible.

“Saan daw bansa naroon si Papa?’’

“Hindi malaman ng drayber na si Jaime kung nasa Canada o Amerika.’’

“Gaano na raw katagal doon?”

“Mga apat na buwan na raw.’’

Kinuwenta ni Aya. Tama nga. Mga apat o limang buwan na mula nang mag-graduate siya sa college. Kaya pala hindi nakadalo ay dahil wala na rito sa bansa ang Papa niya.

“Ano raw ang babaing sinamahan ni Papa.’’

“Medical Representative daw. Batambata raw at maganda.’’

Tumango-tango lang si Aya. Parang hindi niya matanggap na minabuti pang sumama ng kanyang papa sa kabit kaysa silang mag-ama ang magkasama. Naisip ni Aya ang kanyang mama, walang kasingbuti ang kanyang ina na hindi siya iniwan at pilit na iginapang. Matiyagang nag-ipon para may maipamana sa kanya at kay Sam. Walang makakatulad ang kanyang mama.

Napaiyak na si Aya.

“O, ba’t ka napaiyak?” tanong ni Sam.

“Naalala ko lang si Mama. Walang makakatulad si Mama. Nag-iisa siya sa mundo.’’

Tinapik-tapik siya ni Sam sa braso.

“Naisip ko rin, mas ginusto pa ni Papa na lumayo kasama ang kabit niya kaysa sa akin. Talagang wala siyang panahon sa akin. Kunwari ay nag-aalala siya at binigyan ako ng pera pero iyon pala’y pakitang tao lang. Hindi na nga niya ako tinatawagan o tini-text.’’

“Siyempre busy siya sa kanyang batambatang kabit. Mas mahal niya ang kabit kaysa anak.’’

“Oo nga.’’

“Alam mo ang itatanong ko pa sa drayber na si Jaime?”

“Ano?”

“Itatanong ko kung pagdodoktor pa rin ang kanyang trabaho sa pinuntahang bansa.’’

“Baka hindi na.’’

“Bakit?”

“Hindi basta nakakapag-practice dun ang doctor. Maliban na lang siguro kung nakapagtapos ng nursing  ang doctor.’’

“Anyway, alam na natin kung nasaan ang Papa mo. Matatahimik na tayo.”

“Oo nga Sam.’’s

MINSAN sa klase nina Sam, natitigan niya ang nagli-lecture na si Dra. Sophia. Nakadama siya ng awa rito. Iniwan pala siya ni Doc Paolo dahil sa batambatang babae. (Itutuloy)

 

ALAM

ANO

AYA

BAKIT

DOC PAOLO

DOK PAOLO

DRA

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with