NAISIP ni Sam na dapat ay magkaroon na nga sila ni Aya nang sariling tirahan. Maaaring dumating ang panahon na paalisin sila rito sa apartment sapagkat hindi naman ito pag-aari ni Dr. Paolo del Cruz na ama ni Aya. Maaaring isang araw bigla na lamang may dumating at sasabihing umalis na sila. Wala silang magagawa. Hindi puwedeng ikatwiran na pinatira sila roon ni Dr. Del Cruz. Hindi rin maaaring sabihin na anak ni Dr. Del Cruz ang nakatira roon.
Noon pa, sinabi na ni Aya ang balak na iyon. At ngayon, kailangang isaÂkatuparan na nila. Isa pa, wala na nga silang kontak kay Dr. Del Cruz. Nag-graduate si Aya at hindi ito dumalo. Ni hindi tumawag o nag-text. Maaaring umiiwas na dahil nabibisto na ng asawa nito. Sabagay inamin naman ni Dr. Del Cruz na wala siyang magawa para mabigyan ng atensiyon si Aya. Kaya nga ipinagbilin nito sa kanya si Aya. Siya na raw ang bahala kay Aya. Mula nang magkita sila ni Dr. Del Cruz sa ospital, hindi na sila nagkita.
ALAS SINGKO na ng hapon nang dumating si Aya. Nasa bahay na si Sam. Halatang pagod na pagod si Aya.
“Natanggap ka sa inaplayan mo, Aya?â€
“Tatawagan na lang daw ako,’’ sabi nito at ibiÂnagsak ang katawan sa sopa.
“Gusto mo nang ku-maÂin? Nagluto na ako.’’
“Sige.’’
“Habang kumakain, pag-usapan natin ang pagbili ng condo. Ituloy na natin ang balak.’’
Natuwa si Aya sa sina-bi ni Sam. Kumislap ang mga mata. (Itutuloy)