^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (263)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NATANGGAP mo po pala ang text ni Aya ukol sa nangyari kay Mama Brenda?” sabi ni Sam kay Dr. Paolo del Cruz.

“Oo. Gusto ko sanang makita sa huling pagkaka-taon si Brenda pero pinagbawalan ako ng misis ko. Matapang ang asawa ko, Sam. Siya ang nasusunod.”

“Akala ko po mabait siya gaya ng kinuwento mo noon sa akin at kay Aya.’’

“Hindi totoo yun. Nagsinungaling ako.’’

“Pero alam po ba ng misis mo na mayroon kang anak.”

“Oo. Noon pa alam. Pi­nagtapat ko bago pa kami naging mag-asawa. Pero ayaw niyang tutulungan o kahit makita ang anak ko. Matapang nga at sobrang selosa. Maski pinaglihim ko ang tungkol kay Aya, nalaman din. Yun kasing secretary ko sa clinic ay masyadong madaldal at mahusay pumapel sa misis ko.’’

“Doktor din po ba siya?”

“Oo. Siya ang head ng anesthesiologist dito sa ospital na ito. Mayaman ang misis ko, Sam. Ang father niya ay isa sa mga stockholder dito.”

“Baka po malaman na nag-uusap tayo ngayon, Doktor.’’

“Nasa Davao siya ngayon at bukas pa ang balik kaya nagkaroon ako ng pagkaka-taon na kausapin ka. Gusto ko sanang makita at makausap si Aya kaya lang wala akong mukhang ihaharap.’’

“May tampo nga po si Aya, Doktor. Hintay na hintay ka po noong burol ni Mama Bren-  da. Awang-awa po sa sarili.’’

Hindi makapagsalita si     Dr. Del Cruz.

“Ang akala raw po niya e mayroon ka pang nadarama kahit kaunting pagmamahal kay Mama Brenda. Kasi naalala yung mga pinadala mong pictures noon na magkasama kayo ni Mama Brenda. Hindi pa po gaanong nakakabawi si Aya sa nangyari at hindi ko alam kung kailan niya ganap na matatanggap ang pagkawala ni Mama Brenda.’’

Napabuntunghininga si Doktor. Nang magsalita ay mahina at nakikiusap ang tono.

“Ikaw na ang bahala kay Aya, Sam. Hindi ko maipangako na maibibigay sa kanya ang pagmamahal na hinahanap niya. Malaki ang tiwala ko sa’yo Sam.’’

Tumango si Sam.

“Matalino ka Sam at siguro ay nauunawaan mo ang kalagayan ko. Gusto kong makapiling si Aya pero natatakot akong may mangyari kapag nalaman ng asawa ko na nagkikita kaming mag-ama. Baka mawalan ako ng career… nauunawaan mo ba ako Sam?”

Tumango si Sam pero sa isip niya, mahina nga si Doktor. Walang gulugod. Takot.

“Ang maibibigay ko lang kay Aya ay pera. Puwede kong ilagay sa ATM account niya o kaya’y sa’yo ang sustento. Ibigay mo sa akin ang ATM account mo, Sam.”

“Iti-text ko po sa’yo Doktor.’’

“Sige Sam. Pero pakiusap ko lang, huwag mo munang sasabihin kay Aya ang mga sinabi ko. Please.’’

“Opo. Hindi ko po sa-sabihin.”

Tumayo si Doktor. Tuma­yo rin si Sam.

“Ikaw na ang bahala kay   Aya, Sam. Talagang hindi ko ka-ya na magampanan ang tungkulin sa kanya…” (Itutuloy)

 

AYA

DOKTOR

DR. DEL CRUZ

KAY

MAMA BRENDA

OO

PERO

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with