NAGMAMADALING nagtungo sa pinto si Aya. KiÂnakabahan siya. Bahagyang iniawang ang pinto at sumilip sa labas. Si Janno nga! Patungo ito sa direksiyon nang kinaroroo-nan niyang kuwarto!
Sunud-sunod ang tibok ng kanyang puso. Pero bakit ba siya kakabahan ? Mabuti ngang mahuli siya rito sa loob para magkaÂbistuhan na ang ginagawang paninilip sa kanya. Bakit ba siya matatakot. Ang walang ginagawang masama ay hindi dapat matakot. Lalabanan na niya ang demonyo kapag nakapasok ito. Kapag tinangka siyang saktan, kahit anong mahagilap niyang bagay ay ipapalo niya rito. At bahala na kung ano ang mangyari. Basta lalaban siya!
Pero sa buong pagtataka ni Aya, hindi nagtuloy sa paglalakad si Janno. Bumalik ito. Nag-iisip. Mukhang may nalimutan.
Sa pagkakataong iyon ay nagbago ng pasya si Aya. Nag-panic na. Sinamantala ang hindi pagtuloy ni Janno sa kinaroroonan niyang kuwarto at nagmamadali siyang lumabas. Nagtungo siya sa kanyang kuwarto. Naupo sa kama.
Saka lamang niya na-realized na hindi siya dapat lumabas at hinintay na makapasok si Janno para hindi na ito makatanggi. Iyon na sana ang tamang pagkakataon para bistado na ang kamanyakan nito. Sana sinunod niya ang unang plano. Bakit ba siya nataranta agad?
Nagmamadaling nagbihis si Aya. Pagkatapos ay tinawagan si Sam.
‘‘Nasaan ka Sam?’’
‘‘Narito ako sa bahay, bakit?’’
“May natuklasan ako, Sam.’’
“Tungkol sa?’’
“Sinisilipan nga ako ng demonyong si Janno!’’
‘‘Paano mo natiyak?’’
“Nakita ko ang CCV ca-meÂra na nakatutok sa banyo. Nakukunan pala ako ng video habang naliligo.’’
‘‘Paano naikabit ang CCTV?’’
“May katabing kuwarto ang banyo di ba? Palagay ko nakita mo na ang kuwartong iyon.’’
“Bodega ang katabing kuwarto. Lilinisin ko sana ‘yan noon pero sabi ni Mama Brenda huwag daw dahil maraming documento roon si Janno.’’
“Walang dokumento roon. Ang naroon ay computer monitor. Doon nanonoood ang demonyo!’’
“Sana sinira mo na!’’
Natigilan si Aya. Bakit nga hindi niya naisip iyon kanina?
“Hindi ko naisip, Sam. Nataranta ako. Kinaka-bahan din. Kasi habang nasa loob ako biglang dumating si Janno. Ang akala ko nga maaabutan na ako pero hindi natuloy ang pagpasok sa room na kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi nagtuloy sa pagpasok.’’
“Baka nakahalata na may tao.’’
Nag-isip si Aya. Baka nga kaya?
“Anong gagawin ko Sam?’’
“Sabihin mo na kay Mama Brenda at bahala na kung ano ang susunod. Para sariwa pa ang lahat. Mayroon ka nang ebidensiya di ba? Isumbong mo na ngayon. Pero ingat ka sa demonyo at baka kung ano ang gawin. Baka ba-ngag yun.’’
“Oo Sam. Gagawin ko ang sinabi mo.’’
Tinapos nila ang usapan.
Lumabas si Aya para puntahan si Mama Brenda.
(Itutuloy)