^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (209)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANG hirap talaga ng kalagayan ko. Gusto ko mang umalis sa bahay na ‘yun, hindi ko magawa dahil kay Mama. Ako tuloy ang nagsa-suffer.’’

“Naaawa nga ako sa’yo Aya. Kung maaari nga lang dito ka na para magkasama tayo.’’

“Hindi ko talaga mapilit si Mama na iwanan ang demonyo. Wala talaga akong magawa.’’

“Basta ingatan mo na lang ang sarili mo.’’

‘Yun na nga lang ang gi­­nagawa ko. Ang sabi ni Papa sa akin, sabihin ko raw kay Mama ang mga napapansin ko sa demonyo. Pero sabi ko, hindi naman nakikinig si Mama. Parang sarado ang isip niya kapag ang demonyong si Janno ang aming pinag-uusapan.’’

“E ngayon na nagkaro-on ng gulo at nakita niyang ang kanyang asawa ang may gawa ng lahat, anong stand niya sa isyu?”

“Ganun pa rin. Walang pagbabago. Umaasa pa ring magbabago ang demonyo kahit wala na,’’ sabi ni Aya na halata ang pagkainis sa boses. “Alam mo ang dinadasal ko, sana mamatay na ang demonyo,” sabi pa at tumayo. “Painom nga ako Sam. May softdrink ka ba diyan?”

“Wala. Hindi kasi ako nagso-softdrink. Ibibili kita.’’

“Please, Sam. Nauuhaw ako.’’

“Saglit lang. Sandwich, gusto mo?’’

“Huwag na, softdrink lang.’’

“Saglit lang.’’

Umalis si Sam. Nanatili namang nakaupo si Aya at pinagmamasdan ang kabu­uan ng kuwarto ni Sam. Ma­ sarap sigurong tumira rito. Pagkatapos ay napabuntunghininga. Malalim.

Maya-maya ay narito na si Sam. Naka-plastic ang softdrink. May straw. Halatang malamig na malamig.

“O Aya.’’

Inabot ni Aya at sumipsip sa straw. “Aaa, ang sarap! Thanks Sam.”

Nakatingin lang si Sam.

“Paano ang pagkain mo? Bumibili ka?” tanong ni Aya.

“Nagluluto ako.’’

“Ay galing. Minsan nga magluto ka at dito ako kakain.”

“Sige!”

Nang mag-alas sais ng gabi ay nagpaalam na si Aya.

“Ihahatid na kita.”

“Diyan na lang sa saka-yan. Kaya ko na namang umuwi.’’

Inihatid siya ni Sam.

“Tatawagan na lang kita, Sam.”

“Sige.’’

 

ISANG araw, tinawa-gan ni Sam si Aya. Nasa school noon si Aya.

“Punta ka rito sa bahay. Nagluto ako. Dito ka kumain para matikman mo.”

“Talaga? Sige, tamang-tama gutom na ako.’’

“Susunduin kita sa gate ng school.’’

“Huwag na. Ako na lang ang pupunta d’yan.”

“Basta susunduin kita. Hintayin mo ako.”

Sinundo ni Sam si Aya. Nang magbalik sila sa bahay, nagulat sila dahil madi-lim na madilim sa bahay.

“Ba’t ang dilim, Sam?”

“Brownout siguro.”

(Itutuloy)

AKO

AYA

HUWAG

LANG

NANG

O AYA

SAGLIT

SAM

SIGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with