“MANOOD tayo ng sine, Sam,†ulit ni Aya sabay taÂpik sa braso nito.
“Baka maghintay sa atin si Mama Brenda. MaÂgagalit yun.’’
“Paanong magagalit e tinext ko na. Sabi ko, puÂpuntahan mo ako rito sa McDo at pagkatapos ay manonood tayo ng sine.’’
“Hindi nagalit?â€
“Bakit magagalit e ikaw naman ang kasama ko.’
“Ano bang panonoorin natin?â€
“Yung movie na nirekomenda ng prof namin. Panoorin daw at magkakaroon ng recitation base sa movie.’’
“Ah ganun ba? Hindi mo naman sinabi agad. Akala ko panonoorin natin e yung malaswa. Yung may temang sexy at bayolente.’’
“Ay sira!’’
“Di ba may mga ganoon movie?â€
“Ba’t naman ganun ang panonoorin natin?’’
“Wala naisip ko lang.’’
“Siguro sa probinsiya nanonood ka nang ganoong sine ano?â€
“Meron ngang ganoong palabas dun. May ka-double pa.â€
“Anong ka-double?â€
“Dalawang pelikula ang ipinalalabas. Tuloy-tuloy ang panonood.’’
Nagtawa si Aya pero mahina lang.
“Pero hindi ako nanoÂnood. Narinig ko lang sa kuwento ng mga kaklase ko.’’
“E di hindi ka pa nakakapanood ng sine?â€
“Minsan pa lang.’’
“Kaya dapat lang talaga na makapanood ka ng sine ngayon.â€
“Saan tayo manonood?â€
“Sinehan sa mall. Mas safe roon at saka mas malinis.’’
“Madalas kang mano-od ng sine?’
“Oo. Kami ni Mama. Linggu-linggo nasa sinehan kami. Napatigil lang nung magkasakit siya. Niyaya ko pero laging tumatanggi. Nahihirapan daw siyang kumilos… kaya nga nang magpaÂalam ako kanina na maÂnonood tayo, pumayag agad. Huwag lang daw tayong magpapagabi.’’
“E di umalis na tayo. Malayo ba rito ang mall?â€
“Isang sakay lang. Tena.’’
Lumabas sila at tinu-ngo ang sakayan.
“Maganda raw ang movie na panonoorin natin. Kaya kailangan e maintindihan ko para makasagot ako sa recitation. Kapag hindi ko maintindihan, magtatanong ako sa’yo.’’
“Sige. Tutulungan kita sa pag-review sa movie.’’
Nakarating sila sa mall. Nasa fourth floor ang cineÂma. Walang gaanong pila sa pagkuha ng tiket. Si Aya ang kumuha ng tiket. Pumasok na sila. Madilim. Humawak si Aya sa braso ni Sam. Naghanap sila ng bakanteng upuan.
(Itutuloy)