^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (102)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MAGPUPULIS ka ba?’’ tanong ni Sam kay Julia.

Napataas ang kilay    ni Julia sa tanong ni Sam. Pero nang magsalita ay nakangiti.

‘‘Ano ba namang tanong ‘yan Sam?’’

‘‘Kung magpupulis ka nga?’’

“Bakit naman ako magpupulis?’’

“Kasi ang galing mong maghanap. Nakita mo agad itong amin.’’

Nagtawa si Julia. May pagkapilya ang tawa.

“Para yun lang pagpupulis na agad ang ta­nong mo sa akin. Hindi ako magpupulis ‘no?’’

“E ano ka? Magiging ano ka?’’

Nagtawa nang may pagkaharot.

‘‘Magigiging ano ako…hmmm.’’

‘‘Ano?’’

‘‘Misis ni Sam, he-he-he!’’

“Ay puro ka biro. Ano nga bang itatanong mo sa akin? Di ba kaya ka nagpunta rito e dahil may itatanong ka?’’

“Oo.’’

“Tungkol sa Science subject.’’

‘‘Anong tungkol doon?’’

‘‘Tungkol sa digestive system at respiratory system.’’

‘‘Hindi ko alam ang mga bahagi ng kata-wan sa dalawang system na ‘yan. Ang drama kasi ng teacher natin sa Science. Matandang dalaga kasi!’’

“Madali lang yan, Julia. Sa digestive system, kabilang ang gall bladder, liver, stomach, large intestine, small intestine at rectum. Sa respiratory system naman ay nasal passage, lungs, heart, larynx, pharynx at bronchi. Madali lang tandaan ang mga yan. At saka mahusay na Science teacher si Mam Lea…’’

“E bakit hindi ko matandaan ang lesson niya?’’

‘‘Kasi naman nakiki-pagkuwentuhan ka kay Jamie.’’

“Ay alam mong ginagawa ko. Ibig sabihin, napapansin mo ako, Sam?’’

“Siyempre naman, napapansin kita, ang ingay mo kasi…”

Bigla siyang kinurot ni Julia. Napapitlag si Sam.

‘‘Akala mo kung sino ito.’’

“Sige na mag-aral ka na. Ngayon alam mo na ang mga parts ng digestive at respiratory system.’’

“Alam ko na. Husay mo talaga. Bakit ang galinng mo sa science Sam?’’

“Interesting kasi.’’

“E di may kaugnayan sa Science ang kukunin mong couse paggraduate natin sa high school?’’

“Balak ko kumuha ng course preparatory sa Medicine. Balak pa lang naman…’’

“Wow magiging doktor ka pala. Ako medi-cine din ang kukunin…’’

“Magdodoktor ka rin.’’

“Hindi! Kukuha ako ng medicine at lalaklakin ko para tumino ang kukote ko.’’

Nagtawa si Sam.

‘‘Puro ka biro.’’

Nag-uusap pa sila nang dumating sina Nanay Cion at Tatay Ado. Humalik ng kamay si Julia sa dalawang ma­tanda.

“Classmate ko po siya, si Julia.’’

“Kumusta ka Julia?’’ tanong ni Nanay Cion.

“Mabuti po Lola. Nagpapaturo po ako ng science kay Sam. Bobo po kasi ako, he-he-he!’’

Nakatingin lamang si Tatay Ado kay Julia. Pinag-aaralan ang kilos ng dalagita.

 

MULA noon ay madalas nang nagtutungo si Julia sa bahay nina Sam para magpaturo ng lesson.

Minsan biniro ni Tatay Ado si Sam.

‘‘May gusto sa’yo si Julia ano?’’

Hindi sumagot si Sam.

“Mas maganda pa rin si Aya,’’ sabi uli ni Tatay Ado.

‘‘Oo naman, Lolo. Mas mabait si Aya,’’ sabi ni Sam.

(Itutuloy)

AKO

ANO

AYA

BAKIT

JULIA

NAGTAWA

NANAY CION

SAM

TATAY ADO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with