Halimuyak ni Aya (95)
“WALA pa ring pagbabago sa asawa mo, Brenda?†tanong ni Nanay Cion.
Tumingin muna sa paligid si Brenda bago sumagot. Tiniyak na walang makakarinig sa kanila. Si Tatay Ado ay lumabas ng bahay para kumuha ng buko.
“Wala pong pagbabago, Nanay. Lalo pa pong lumubha. Bukod sa pambababae ay lulong na rin sa casino at ang hindi ko na yata makakaya ay ang panaÂnakit sa akin. Kapag gusto pong makipagtalik e sina- saktan pa ako…’’
Nanindig ang balahibo ni Nanay Cion. Ngayon lang siya nakarinig ng ganitong kahayupan. May ganito palang lalaki. Awang-awa siya kay Brenda. Hindi dapat ginaganito ang mabait na babaing ito.
“Bakit hindi mo hi- walayan?†Iyon ang nasabi ni Nanay Cion sa labis na pagkaawa.
“Nanay, hindi ko po kaya…’’
“Bakit? Sinasaktan ka na ah.â€
“Hindi ko po talaga kaya…’’ sabi at umiyak.
“Paano kung may mangyari sa’yo. Paano kung mapatay ka niya. Kawawa si Aya…†Tila hindi na mapigilan ni Nanay Cion ang sarili.
“’Yan nga po ang naiisip ko. Baka kung ano ang mangyari kay Aya kung may mangyari sa akin…’’
“E dapat nga humiwalay ka na.’’
Hindi sumagot si Brenda. Umiyak na lang nang umiyak.
Hinagud-hagod ni Nanay Cion ang likod. Pinakakalma. Sa bawat paghikbi ni Brenda, nadarama ni Nanay Cion ang tinitiis na sakit. Pero bakit kaya hindi kayang hiwalayan ang hayop na lalaki. Mayroon namang tatakbuhan kung sakali. May mga kapatid pa si Brenda. At buhay pa yata ang ina niya. Bakit magtitiis sa piling ng hayop? At pati si Aya ay baka madamay kung magpapatuloy pa sa pakikisama. Pero hindi na siya nagtanong ukol doon. Magpapaulit-ulit lang ang pag-uusap nila. Ang hindi rin niya maintindihan kay Brenda, nagsasabi ito na nahihirapan siya pero wala namang balak na iwan ang nananakit sa kanya. Para ano pa ang pagtatapat niya? Inunawa na lang niya si Brenda.
Hindi naman niya mapigil sa pagtatapat si Brenda ukol sa hayop na asawa.
“Pati pera ay naghihigpit na rin si Janno. Kung dati ay balewala ang pag-uuwi niya nang bungkos na pera, nga-yon, manipis na. Pero huwag kayong mag-alala Nanay at mabi-bigyan ko pa rin kayo ni Tatay…’’
“Naku kahit hindi ka na makapagbigay, Brenda. Marami pa kaming ipon. Maganda ang ani ni Ado. Nakatulong ang traktora at makinang patubig na ibinigay mo. Ang dami ring nahuhuli sa palaisdaan. Marami ring prutas…’’
“Patuloy ko kayong bibigyan. Hindi lang po para kay Sam iyon kundi para na rin kay Aya. Malay n’yo bigla akong mawala. Buti nang may pera rin si Aya…â€
Hindi nakapagsa-lita si Nanay Cion.
(Itutuloy)
- Latest