Halimuyak ni Aya (86)
“MARAMI pa naman akong ikukuwento sa’yo Aya,†sabi ni Sam na nakangiti habang nagsasalita. Aliw na aliw sa pag-uusap nila.
“Ako rin, marami rin akong ikukuwento sa’yo Sam.’’
“Ano yun.â€
“Mauubusan ka ng load kapag ikinuwento ko sa iyo sa phone.’’
“Kahit na ako maubusan. Okey lang. Ikuwento mo na, Aya.’’
“Huwag. Pag-uwi na lamang namin.’’
“E hindi mo nga masabi kung kailan kayo uuwi di ba?â€
“Basta sa pag-uwi ko na lang ha?â€
“Sige, Aya.’’
Natahimik ang linya.
“Aya?â€
“Oo narito pa ako.’’
“Bakit natahimik?â€
“Kasi’y parang duma-ting na si…’’
“Sino?â€
“Si Tito Janno…sige Sam ha. Basta tawag-taÂwag ka lang ha?â€
“Aya! Aya, teka…â€
Pero nai-off na ang phone.
Hinayang na hinayang si Sam.
May kumatok. Bumukas. Si Tatay Ado.
“Nagkausap kayo ni Aya, Sam?â€
“Opo. Pero sandali lang. Bigla raw may dumating....’’
Hindi na nagtanong si Tatay Ado.
HINDI pa rin nakada-law sina Aya ng summer na iyon. Hanggang mag-first year high school sa isang private school si Sam. Maraming kaklaÂseng babae ang lihim na humanga sa kanya. Guwapo na raw ay matalino pa. (Itutuloy)
- Latest