Halimuyak ni Aya (71)
“BAKIT walang picture ni Papa akong nakikita, Lola?†tanong ni Sam na tila gustong mahalungkat ang mga nakatagong bahagi ng buhay. At ang mga tanong na iyon ay nagbibigay ng problema kay Nanay Cion. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Paano niya sasabihin na si Sam ay anak ng isang binatilyong Saudi na nakarelasyon ng kanyang ina habang naglilingkod na domestic helper doon. At magsasanga-sanga na ang istorya dahil lalabas na habang nasa Saudi ay nanlalaki ang kanyang inang si Cristy. Paano niya iyon ipaliliwanag lalo pa’t isang bata ang nagtatanong?
Mabuti na lamang at bigÂlang tumawag si Tatay Ado mula sa labas ng bahay.
“Cion, halika nga rine at may bibili raw ng mga manggang kalabaw natin.â€
“Oo sandali lang Ado.â€
Nakaligtas si Nanay Cion sa makulit na pagtatanong ni Sam.
“Teka Sam, may bibili raw ng mangga natin. Titingnan ko.â€
Tumango si Sam.
“Maglaro ka na muna at mamaya pakakainin kita.â€
“Opo Lola.â€
Lumabas ng kuwarto si Nanay Cion. Tinungo sa labas ng bahay si Tatay Ado.
Kausap ni Tatay Ado ang isang lalaki.
“Siya yung bibili ng mga bunga ng mangga natin. Sila na raw ang bahalang mag-alaga hanggang sa lumaki at maging magulang ang bunga.â€
“E namumulaklak pa lang ang mangga ah.â€
“Okey na po yun Nanay. Bibilhin na po namin. Kami na po ang bahala. Magkano po ba yung 50 puno ng mangga?â€
Sinabi ni Nanay Cion. MaÂtagal na nilang nakuwenta kung magkano iyon. Nang masabi ang halaga ay nagkasundo. Hindi na tumawad ang lalaki. BinaÂyaran ng cash si Nanay. Nagpaalam na ang lalaki.
“Parang hindi ma pigilan ang pagda-ting ng pera sa atin, Cion.â€
“Oo nga, Ado. Masuwerte sa atin si Sam.â€
“Palagay ko nga. Mula nang ipanganak siya, gumanda ang buhay natin.â€
“Problema lang ay marami nang tanong. Tinatanong kung bakit walang retrato ang kanyang papa.â€
“Itinanong na rin niya iyan sa akin, Cion at hindi ko rin masagot.â€
Kapwa nag-isip ang mag-asawa. Paano nga nila sa-sabihin kay Sam ang lahat?
Pero sabi ni Tatay Ado saka na lang nila problemahin iyon. Hindi naman iyon gaanong kabigatan.
MINSAN, dumating si Brenda, nag-iisa na naman. May ipinagtapat kay Nanay Cion. Umiyak. Nahihirapan na raw siya.
(Itutuloy)
- Latest