HINDI inaasahan ni Nanay Cion na ipagtatapat ni Brenda ang tungkol sa lalaking naghatid dito.
“Siguro po nagtataka kayo ni Tatay Ado kung sino ang naghatid sa akin. Si Janno po yun. Dati kong suitor noon pa. Muli kaÂming nagkita. Ang yaman na pala. Nasa Customs pala.’’
“Wala pang asawa, Brenda?’’
“Hiwalay po. Nagkanya-kanya na raw sila.’’
“Akala ko ang naghatid sa iyo ay ang dati mong nobyo, yung ang ina ay matapobre.â€
“Naku hindi po Nanay. Kahit po magmakaawa sa akin ang walang baÂyag na lalaking yun, hindi ko siya mapapatawad at matatanggap. Masyado akong naging kawawa sa kanilang mag-ina.’’
“Ang akala ko siya ang naghatid sa iyo. Ang ganda kasi ng kotse ng naghatid sa’yo. Di ba sabi mo mayaman ang dati mong nobyo?’’
“Opo, mayaman po pero ubod naman ng sama ng ugali ang matapobreng ina. Yung si Janno po naghatid sa akin ay mas mayaman kaysa kanila.â€
“Talaga?’’
“Opo. Marami po siyang kotse. Mayroong farm sa Mindoro at Batangas. Mayroong bahay bakasyunan sa Tagaytay at mayroong beach sa Nasugbu. Hindi nga po ako makapaniwala na yayaman nang ganoon ang lalaking iyon. Dati po kasi noong suitor ko pa lang siya, mukhang patay gutom. Hindi ko akalain, magiging big-time pala. Hindi ko po pinapansin noon dahil may nobyo na nga ako at saka hindi ko type. Aba ngayon ay biglang naging guwapo. Kapag pala masyadong maraming pera ang isang lalaki kahit hindi guwapo ay magiging guwapo na rin dahil namumutiktik ang pera sa bulsa.’’
“Mahal ka naman kaya talaga, Brenda?’’
“Opo. Mahal po ako, Nanay Cion.â€
“Sigurado po ako.â€
Napatingin si Nanay Cion nang makahulugan kay Brenda.
Nagpatuloy sa pagsaÂsalita si Brenda. Nakatingin pa rin si Nanay Cion.
“Dahil sa labis kong pagtitiwala kay Janno, naipagkaloob ko na ang sarili. May nangyari na sa amin ni Janno, Nanay Cion. At hindi naman ako nagsisisi sa nangyari.’’
Hindi pa rin nagsaÂsalita si Nanay Cion. NaÂisip niya, kaya pala laging nagtutungo sa Maynila si Brenda ay para makiÂpagtagpo kay Janno.’
“Gusto po niya dalhin na ako sa Maynila.’’
“Ipinagtapat mo ang tungkol kay Aya?â€
“Opo. Okey lang sa kanya na mayroon akong anak.â€
“E di talaga palang aalis na kayo rito?â€
“Opo, Nanay Cion.â€
(Itutuloy)