“AYAW mo talagang magtungo sa Bangkok, Kreamy?†tanong ni Troy. Kumakain sila ng almusal.
“Ilang beses na akong nakarating doon, Troy. Saka na lang tayo magtungo roon kapag hindi na masyadong mainit ang panahon. Mas mainit sa Bangkok kaysa rito.’’
“Saan mo gusto tayong pumunta para maghoneymoon.’’
“Gusto ko sa beach. Alam mo matagal ko nang gustong mag-beach pero wala akong makasama. Noon ko pa pangarap na maglakad nang nakatapak sa tabing dagat. Alam mo na hindi pa ako nakakatapak sa tubig ng dagat.’’
“Talaga?’’
“Maski noong bata pa ako at nag-aaral, hindi ako nakapamasyal sa dagat.’’
“Ah alam ko na kung bakit. Ayaw kang payagan ng nakilala mong ina na si Mayette?â€
Tumango si Kreamy.
“Hanggang ngayon nasa alaala ko pa ang kahigpitan niya. Akalain mo, may field trip kami somewhere in Batangas pero hindi ako pinayagan. Ako lamang ang hindi nakasama sa trip na iyon. Yung mga kaklase ko, tuwang-tuwa na ibinalita na namasyal sila sa tabing dagat. Naglakad daw sila nang nakatapak sa buhanginan. Inggit na inggit talaga ako, Troy…’’
“Hindi talaga maaa-ring malimutana ang mga masasakit na alaala ng kahapon ano, Kreamy?â€
“Oo. Nakabaon na sa utak.â€
“At least naalala mo lang iyon at ngayon wala ka nang natitirang galit sa babaing akala mo ay iyong ina.â€
“Wala na. Naalala ko lang.â€
Napatango na lang si Troy.
“So ang gusto mo ay sa beach tayo magtungo, Kreamy.’’
“Saan ba maganda ang beach?’’
“Maraming beach sa Batangas, Mindoro at sa Palawan.’’
“Gusto ko yung sasaÂkay ng ferry o bangka para marating ang beach.’’
“Aba e di subukan natin sa Puerto Galera tayo. Maganda raw doon.’’
“Nakapunta ka na?â€
“Hindi pa. Pero sabi ng mga nakausap ko, maganda raw.’’
“Sige, Troy doon tayo.’’
“Gusto mo bukas punta na tayo, tamang-tama, summer. Maaliwalas ang langit at kalmado ang alon. Para makapag-enjoy tayo nang husto. Doon masarap mag…â€
Kinurot siya ni Kreamy sa braso. Napapitlag si Troy.
KINABUKASAN, umalis na sina Troy at Kreamy. Sa Batangas sila sumakay ng malaking bangka patungong Puerto. Dalawang oras lang at nasa Puerto na sila.
Sa isang hotel sila tumuloy. Mula sa hotel ay nilakad nila ang patu-ngong beach. Humanga si Kreamy sa ganda ng beach. Maraming puno ng niyog sa tabing dagat. Tuwang-tuwang nag lakad si Kreamy sa buhanginan. Hinayaan niyang halikan ng alon ang kanyang mga paa.
Napalayo siya kay Troy. Dumako siya sa isang puno ng niyog. Nagulat siya sa nakita roon. Nagsisigaw siya.
(Itutuloy)