Ivana naging sugar mom ng jowang showbiz, inaming may manliligaw na pulitiko

Dating pero walang jowa. Ito ang sinabi ni Ivana Alawi.
So hindi siya committed to anyone?
“Wala pa rin. Ang nasa utak ko tumulong muna, bago ako lumab-life ‘di ba? Bago ako mag-focus sa pag-ibig,” sabi niya sa ilang entertainment media na ka-chika.
“Basta ano, I am blessed,” dagdag niya.
Sinong priority mong tulungan ngayon?
“Vendors, magsasaka, ‘yung mga taong nangangailangan talaga ng tulong. ‘Yung mga fishermen natin, ‘yan,” mabilis niyang sagot.
Pero wala ba siyang planong kumandidato o pasukin ang pulitika?
“Ano naman ang ilalaban ko sa PIlipinas. Hindi naman ‘yung arte na content creation lang. So kailangan… actually, ang daming nagsasabing tumakbo ka, tumakbo ka. Grabe ka mamigay.
“Hindi naman ako namimigay para tumakbo, at hindi mo rin kailangan tumakbo para makapamigay.
“Ang pagtakbo talaga is for the country. ‘Yung may maganda kang magagawa na batas. Mas mapapaganda mo ‘yung bansa natin. Kailangan nating lumaban at lumebel-up no? So ‘yun, hindi talaga ako tatakbo, kasi wala naman akong alam diyan.
“Kung ano ang nasa puso mo, ‘yun talaga,” paliwanag niya sa ginagawang pagsi-share.
Pero kelan siya magkakaroon ng commitment?
“Mga two years, ‘pag trenta na ako. 28 na kasi.
“Ako mga 30 feeling ko, I think it’s the time for myself and to start focusing on love, on family. Ganun po.”
Sino ba ito? May mga nali-link sa kanya?
“Non-showbiz. Hindi talaga ako mahilig sa showbiz. ‘Pag showbiz, hindi talaga kami nagwo-work.”
Hanggang aminin niyang may mga nakarelasyon siyang showbiz, pero ginagawa siyang sugar mama.
“Ano ka ba! Nakailang date na ako ng mga showbiz, ginagawa akong mama, sugar mama!
“Ako naman okay ako split the bill. Pero huwag naman todo-todo na lahat na lang ako.
“Ayoko ‘yung showbiz na nakikita ko nakikipaglaplapan sa iba, hindi ko kaya.”
Pero iba aniya ang kaso sa kanya dahil sa trabaho niya. “Ako puwede ‘di ba? Sana maintindihan niya. Kung pipili siya ng showbiz, kaya niya ako. Kasi ako, ‘yung mga kissing scenes, bed scenes, so dapat ready siya. Ako, hindi ako ready sa kanya. Kaya non-showbiz.”
Pakiramdam niya ay wala lang talaga siyang oras. “Hindi naman mahirap. Siguro wala lang talaga akong time. Pero, I’m dating so I’m okay.”
Mas matured talaga ang bet niya. Kahit kailan ay ayaw niya sa mas batang lalaki.
“Hindi ako mahilig sa bata e. Ayoko ng mga 20s o mga 30s. Gusto ko mas matured. Kasi matured na ako mag-isip,” sabi pa niya.
Bukod sa na-appreciate niya ang showbiz media na kino-compete na rin ngayon ng ibang mga artista, naging super generous din si Ivana sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng showbiz press.
Walang off the record. At isa sa kinalkal sa kanya ay ang consistent na pagli-link sa kanya sa pulitiko.
Anong reaction niya?
“Wala! Deadma!” mabilis na tugon ni Ivana.
Pero hindi naman daw siya apektado dahil wala siyang sinirang pamilya.
“Hindi! Hindi naman ako na-hurt!
“Wala naman akong sinirang pamilya! So deadma!
“Basta masaya ako sa buhay ko, bahala kayo!” katwiran niya.
Sa kasalukuyan ay wala na siya ulit planong layasan ang showbiz. Nagkaroon ng time noon na gusto na niyang layasan ang showbiz pero ‘di natuloy.
“Noon talaga, gusto ko na layasan ang showbiz. Pero binigyan pa rin ako ng chance ni Sir Perry (Lansigan) at sinugalan talaga niya ako. So, tinuluy-tuloy ko pa rin.
“Ang tingin ko kasi noon, parang hindi para sa akin ang showbiz. Kasi, lahat rejection. Parang na-isip na ako na hindi para sa akin ang showbiz.
“It’s painful, pero that’s the reality, eh. Not everything talaga is meant for you!
“Pero at that time, marami rin akong ginawa, naging happy rin ako, like nag-aral ako, at dumating naman ‘yung blessing. Hindi ko ini-expect na magiging ganito ang lahat,” kumpisal pa niya.
Inamin din niya sa nasabing thanksgiving party niya na very, very soon na matutupad na ang isa niyang pangarap.
At ang susunod daw niyang pangarap ay magkaroon ng sariling pamilya.
“Next pangarap ko is siyempre, makabuo na ng pamilya, maging housewife. Alam n’yo naman ‘yun. So, hindi pa natutupad ‘yun,” sabi niya pa.
- Latest