Empowering anthem mula sa beauty queen
Pinasok na ni Miss Universe Philippines 2023 at Sparkle artist na si Michelle Dee, aka MMD, ang music scene sa pamamagitan ng kantang Reyna mula sa groundbreaking partnership ng ABS-CBN Music at GMA.
Lakas ng loob at tiwala sa sarili ang ibinibida sa kanta ni MMD na inilunsad ngayong Women’s Month. “I can’t wait for everyone to hear what we’ve been working on,” sabi niya tungkol sa proyekto na talaga namang pinaghandaan at umabot sa halos one year in the making.
Isa lamang ang host-actress sa aabangang Kapuso singers na maglalabas ng musika mula sa exciting partnership ng ABS-CBN Music at GMA.
Naghihikayat ang dance-pop single na Reyna sa music listeners na magtiwala sa sariling kakayanan at kagandahan, tampok ang linyang “ako ay isang reyna, reyna, reyna, REYNA! Lakas loob ang aking korona.”
Naniniwala si MMD na maraming makaka-relate sa mahalaga at positibong mensahe ng bagong anthem. Nakibahagi siya mismo sa creative process ng kanta na isinulat ni Angelica Tagadtad at prinodyus ni ABS-CBN Music overall creatives, content, and operations head Jonathan Manalo at StarPop label head Roque “Rox” Santos.
Napapakingan na ang Reyna single ni MMD sa iba’t ibang music streaming platforms.