Mark, nanalo ng P60k sa casino matapos makipagkita sa gay businessman-singer
Hindi sinagot ni Mark Herras ang text namin tungkol sa kumalat na video at pictures na magkasama sila ng businessman at singer na si Jojo Mendrez sa isang casino.
Binigyan daw ng malisya ‘yung kuhang spotted silang dalawa na naglalaro sa isang casino.
Ayaw na sanang patulan ito ni Jojo nang makausap ko siya sa telepono.
Wala raw malisya ‘yung pagkikita nila ni Mark, kasama naman daw niya ang handler at manager niyang si David sa Aqueous Entertainment.
Kuwento ni Jojo Mendrez, “Nagkita kami sa Starbucks sa Okada, pero doon kami sa bandang madilim, kasi nga siyempre iniiwasan ko na nga ‘yung usapan na galing nga si Mark Herras sa pagsasayaw sa bar ‘di ba?
“Siyempre, pinag-uusapan ‘yung gay gay issue na ‘yan. Kaya ang ginawa namin, dun kami sa may gilid na madilim sa Starbucks. Pinalabas na nag-check in kami ni Mark Herras.”
Napakiusapan daw kasi nila ang dancer/actor na gumawa ng content o baka i-TikTok ang latest single ni Jojo na Somewhere In My Past.
Naghanap daw sila ng magandang lugar na hindi matao para walang ingay. Kaya umakyat daw sila sa hotel room ng manager niya. Naka-check in daw kasi roon ang mga kasamahan niya. “Nang dumaan kami sa lobby, siyempre na-recogize siya (Mark) na nakitang magkasama kami. Nagpunta kami dun sa kuwarto. Kumbaga, walang malisya ‘yun. Parang ginawan ng content ‘yung song ko, na nagsayaw siya. Pagkatapos niyang sumayaw, dapat maiwan ako pero sinabi ko kina David baka mamaya mangyari ‘yung dati kay Sandro Muhlach, natakot ako, ‘pag maiwan kami dun ni Mark, e nagkukuwentuhan lang naman kami dun. Alam mo na, baka may isyung ganun, ako ‘yung masisira.
“Nagkayayaan kami sa casino. Habang nagpi-play kami, dami nagpapa-picture. Tapos, kahit nasa casino napi-play may mga nagpi-picture pa rin. Kaya paano ka makakaiwas? ‘Yun ‘yung nilagyan nila ng kulay,” patuloy na salaysay ni Jojo Mendrez.
Nauna na raw siyang umuwi, nagpatuloy pa raw sa paglalaro si Mark. “Nanalo si Mark ng P60K, pero wala na ako dun nung nanalo siya. Nauna na akong umalis,” pakli nito.
Nakakahiya naman daw na maisyuhan ng ganun si Mark na mabait pa naman daw sa kanya. Pero wala na raw siyang pakialam sa sinasabi ng iba.
Hindi naman daw maiwasan na bigyan ng malisya ang pagkikita nila roon sa casino.
Jake Ejercito, nadawit na
Mainit na pinag-usapan sa social media ang isyung hiwalayan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Nakikita naman sa kanilang mga post sa socmed. Kaya ang bongga ng pag-trending nina Philmar at Andi sa X.
Ang naalala ko lang dito ay si Jaclyn Jose na kung nandiyan sana para dumepensa at sumuporta sa kanyang anak.
Pero sa isyu ng dalawa, biglang nadamay si Jake Ejercito, ang ama ni Ellie kay Andi.
In-assume ng mga netizen ang post ni Jake sa kanyang Facebook account nung kamakalawa lang na sinabing “Wala akong feelings about it (pear emoji)”
Ang galing mag-interpret ng mga netizen sa status ni Jake. Iba raw ‘yung ‘walang feelings about it’ sa ‘walang feelings about her. ’
Ang wish ng mga follower nito na sana’y sila ni Andi sa ending.
Hindi naman natin alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ngayon ni Andi. Kaya mas mabuting manahimik muna si Andi, ibigay muna ang space sa kanya para makapag-isip kung ano ang gusto niyang i-prioritize sa ngayon.
Nakakalungkot lang na nabigo na naman ang aktres sa pag-ibig pagkatapos niyang tinalikuran ang showbiz at pinili ang simpleng buhay sa Siargao. ‘Yun lang pala ang kapalit.
Ang maganda lang dito ay nagkaroon naman siya ng napakagandang anak na sina Lilo at Koa, kasama ang panganay niyang si Ellie.
Sa totoo lang, kaya pang bumalik ni Andi sa pag-aartista kung gugustuhin niya.
Alfred at Cong. PM, 7 death threats na ang natanggap!
Ayaw nang patulan ni Alfred Vargas ang ikinakalat na video na kung saan nagsasalita siya sa mga tao at ipinapalabas na nanlalait siya sa kapangitan ng kalaban nila sa pulitika.
Pati ‘yung pag-comment niya sa mga kalabang mukhang adik, at ‘yung may mga utang daw na hindi nagbabayad.
Obvious na in-edit edit ang video, lalo na dun sa sinabi ni Alfred na adik daw siya, at pinutol na ang kanyang pagtatalumpati.
Hindi na bago ang ganitong paninira lalo na sa pulitika. Kaya kahit pilit na ikinakalat ito at nagre-react na nga ang iba, ayaw na lang patulan ng actor/politician.
Dedma na lang daw si Alfred, pati ang kapatid niyang si Cong. PM Vargas.
Mas marami raw silang puwedeng gawin para sa mga taga-district 5 ng QC kesa sa pagpapapansin daw itong mga kalaban nila.
Mas dobleng ingat lang daw sila ngayon dahil hindi pa nga nagsisimula ang kampanya, naka-pitong death threats na raw ang natatanggap nila ni Cong. PM Vargas.
- Latest