Drew at Iya, hindi itinago ang bagong baby nila

Sanay na ang mag-asawang Drew Arellano at Iya VIllania na ipakita sa social media ang kanilang mga anak. Kaya naman pagkaluwal ng bagong anak nila, nasa social media na kaagad. “ Anya Love Villania-Arellano. February 11, 2025. 10:52am,” post ng mag-asawa kalakip ang portrait ng kanilang fifth baby.
Choice ng ibang celebrity parents like Derek Ramsay / Ellen Adarna and Ria Atayde / Zanjoe Marudo na ‘wag ilantad sa social media ang hitsura ng mukha ng kanilang baby.
Anyway, ang cute naman kasi ng fifth baby nila.
Ang tanong lang ng ibang followers nila, nagpa-ligate na kaya si Iya o bubuo sila ng basketball team na anim?
Actress, kapwa babae na ang karelasyon
Lantad na raw ang pagiging fluid ng isang actress.
At ramdam na raw ito ng ibang mga kasama niya sa trabaho.
Matagal ding nailihim ng actress ang kanyang tunay na kasarian. Nagkaasawa pa siya at nagkaanak. Pero nang lumaki ang anak, pati mister daw ay na-realize at tanggap na ang gender status ng misis.
Hindi lang daw talaga nito ini-elaborate sa social media.
Sabagay kung saan ka maligaya, gow lang.
- Latest