Jean, pinag-aralan ang pananampal

Jean Garcia
STAR/File

Isa si Jean Garcia sa mga pinakasikat na kontrabida sa telebisyon sa kanyang henerasyon. Marami nang nasampal ang beteranang aktres sa iba’t ibang proyekto. Ayon kay Jean ay nahihiya na rin siya minsan kapag pinupuri ng mga katrabaho at manonood ang kanyang galing sa pagsampal sa mga kaeksena. “Siyempre ako, nahihiya din ako, ‘di ba? Kumbaga trabaho lang din naman, wala namang perso­nalan. Pinapagawa lang din sa amin,” nakangi­ting pahayag ni Jean sa GMA News.

Ayon sa aktres ay talagang inaral niya kung paano hindi lubhang masaktan ang kanyang mga katrabaho. Alam ni Jean kung ano lamang ang parte ng mukha ang dapat niyang sampalin. “’Yung pisngi lang talaga, hindi tatamaan dito sa jaw. ‘Wag tamaan sa ears, ganyan. Kasi ‘yun ‘yung masakit. Dapat ano lang talaga, lapat talaga sa pisngi,” pagbabahagi niya.

Masusing pinag-aaralan ni Jean ang bawat eksenang gagawin upang maiwasaan na magkasakitan sila ng katrabaho. Para sa aktres ay kailangang sundin nang maayos kung ano lamang ang mga ipinagagawa ng direktor sa mga ksena. “Para lang safe for both of us, lalo na do’n sa sasampalin. I make sure naman na safe at saka hindi delikado. Tapos, ilag talaga,” pagtatapos ng aktres.

Jodi, enjoy sa buhay sa labas ng showbiz

Taong 2021 nang makapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Psychology si Jodi Sta. Maria. Ngayong taon naman ay nakatakdang mag-enroll ang aktres para sa kanyang master’s degree. “I’m taking up my master’s degree in Clinical Psychology. Kasi naiisip ko, as a human being, parang I can do so much more, na parang mayroon pang life outside show business. Naisip ko na, oo, I’m an actor, but I can put on another hat,” paglalahad ni Jodi.

Pinapangarap ng premyadong aktres na magkaroon ng sariling mental health clinic na maaaring makatulong sa mga nanga­ngailangan ng ganitong serbisyo. “It’s my dream to put up a small center to make mental health accessible to all. Hindi lang for people na kaya magbayad, but para sa lahat. ‘Yung heart ko, from the time I started studying psychology, when I did acupuncture detox and got my certification there, ‘yon talaga nasa heart ko. And God willing, ‘yung dream na ‘yon will turn into reality,” makahulugang pahayag niya.

Aminado si Jodi na talagang nai-enjoy niya ang pagiging isang estudyante. Kahit abala sa kabi-kabilang trabaho ay sinisikap ng aktres na magkaroon palagi ng mga bagong kaalaman mula sa eskwelahan. “Nag-i-enjoy kasi ako for some weird reason. I enjoy the feeling of being in a class. Gusto ko ‘yung student ako. Nakaupo, nakaka-learn ako ng mga bagong things. Parang that sparks joy in my heart. It fascinates me,” pagtatapat ng aktres. (Reports from JCC)

Show comments