‘I’ll just trust in our justice system’ – Vic pagkatapos kasuhan ng 19 counts of cyber libel si Darryl Yap

Vic Sotto

Reklamong 19 counts of Cyber Libel ang sagot ni Vic Sotto sa pasabog na teaser ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma ni direk Darryl Yap.

Pormal na niyang sinumpaan ang reklamong inihain laban sa kontrobersyal na direktor. Isinampa ito ni Bossing Vic sa Prosecutor’s office ng Muntinlupa Regional Trial Court kahapon ng umaga.

Sinamahan siya ng asawang si Pauleen Luna na all-out ang suporta niya kay Bossing Vic.

“Marami po ang nagtatanong kung ano ‘yung reaksyon ko sa lumabas itong isyung ito. Ako’y nanahimik, wala naman akong sinasagot.

“Sa maraming nagtatanong na mga kaibigan, pamilya, a lot of people have been asking me, ano ang reaksyon mo. Eto na po ‘yun. Eto na po ‘yung reaksyon ko, sabi ko nga e, eto walang personalan ito. I’ll just trust in our justice system. Ako’y laban sa mga iresponsableng tao lalo na ‘yung sa social media,” saad ni Vic Sotto.

Tinext ko rin si Pauleen para hingan ng pahayag kung ano ang masasabi niya rito sa aksyon ni Bos­sing Vic. “Basta susuportahan ko ang asawa ko 100 percent all the way. Para sa kanya, sa mga anak at para sa katotoha­nan ito,” pahayag ng misis ni Bossing Vic.

Wala namang gustong iparating na mensahe si Bossing Vic kay direk Darryl Yap. “Happy new year” lang daw.

“Sa ngayon, ginawa lang namin ‘yung nararapat. Kung ano ‘yung nararamdaman ko, eto na po ‘yun. Nakalagay na po, nakasulat na po sa papel, nakapag-oath-taking na ako sa piskal. Kung ano man ‘yung mangyayari sa susunod, ‘yun pong aabangan natin,” sabi pa ng comedian/TV host.

Hindi lahat na mga tanong ay sinagot ni Bossing Vic. Kung ano man ang iba pang isyu at nararamdaman niya sa isyung ito ay nasa kanya na lang daw muna.

Nasa tao na raw ‘yun kung ano ang nararamdaman nila o ano ang gusto nilang paniwalaan.

Hindi naman daw siya na-offend sa mga artistang gumanap. Wala raw siyang sama ng loob sa mga ‘yun.

Nung nakaraang taon pa raw niya naririnig na may ganung pelikula, at wala naman daw kumausap sa kanila para magpasintabi na isasapelikula nila itong kuwento ng namayapang sexy star nung ‘80s. “Walang kumonsulta, walang nagpaalam,” sabi pa ni Bossing Vic.

Kaagad na naglabas ng statement si direk Darryl Yap dito sa reklamong isinampa ni Vic Sotto.

Aniya, “Delia, Pepsi – baba­lik tayo sa korte. Ang Pilipino sa Sinehan.”

Pero maipapalabas pa kaya ang pelikulang ito?

Sa aming pagkakaalam, kapag may reklamong isinampa sa korte ang isang pelikula kagaya ng nagreklamo sa teaser ng Los Sabungeros, hindi ito ni-review ng MTRCB.

Kaya kung ganitong may reklamong nakasampa laban sa direktor kaugnay sa pelikulang ito, maaring hindi ito ma-review ng MTRCB.

As of presstime, hinihintay pa namin ang sagot ng taga-MTRCB kaugnay sa mainit na isyung ito.

Jean Saburit, ‘di kinaya ang batang jowa

Nakakaaliw ang kuwento ni Jean Saburit nang makatsikahan namin sa nakaraang media conference ng bagong afternoon drama series ng GMA 7 na Prinsesa ng City Jail.

Na-maintain pa rin kasi niya ang ganda at ang ayos pa ng katawan, kaya tinanong namin kung hindi ba siya naliligawan ng mas bata sa kanya.

‘Yun pala nagkaroon din siya ng karelasyong malaki ang agwat ng edad sa kanya. Edad 46 daw siya noon, at 36 lang ang lalaki na isang Amerikano – noong nasa Amerika pa siya. “Tinry ko rin, pero ayoko kasi… he wants another child, alam mo ‘yun. Parang sabi ko, hindi ko na kakayanin ‘yung ganun, Diyos ko!

“Teenager na si Nicole (Anderson) at that time. Sabi ko, ‘mag-uumpisa na naman ako?’” bulalas ni Jean Saburit.

Hindi lang daw talaga niya kinaya ang energy ng mas bata sa kanya, lalo na pagdating sa kama. Napapagod daw siya.

Kaya nung napanood daw niya ‘yung nangyari kay AiAi delas Alas, parang naka-relate raw siya.

Sa Jan. 13 na pala magsisimula ang Prinsesa ng City Jail sa afternoon prime ng GMA 7.

Show comments