Sofronio, pinaluha si First Lady Liza, Pangulong Marcos tuwang-tuwa sa kanyang kanta

Sofronio Vasquez, Pangulo Bongbong at Unang Ginang LIza-Araneta Marcos
STAR/File

So naganap na rin kahapon ang courtesy visit ng The Voice USA Season 26 Grand Winner na si Sofronio Vasquez sa Malacañang, kasama ang Pangulo Bongbong at Unang Ginang LIza-Araneta Marcos. Sinabi niya na inaasam-asam niyang mangyari ito na kinikilala ng Head of State.

Ang tanong, nabigyan kaya siya ng pabuya katulad ng ginagawa sa mga atleta?

Ito ba ay pagpapakita ng Unity dahil nakita sa dating posts na si Sofronio pala ay Leni supporter noong nakaraang eleksyon?

Maris, balik sa sirkulasyon

Ayan magpapa-interview na pala si Maris Racal for a Netflix project soon. At nag-appear na rin siya sa Fan Event for Incognito kasama si Anthony Jennings. Active na ba si Maris ulit? Sana.

Pinost na rin niya ang kanyang pelikulang nag-premiere sa Toronto International Film Festival sa kanyang IG.

Babalik na ba sa sirkulasyon si Maris? Sana!

Apela sa pagbabalik sa franchise ng ABS-CBN, nakapila na

So hindi lang pala si Congressman Joey Salceda ang nag-file ng bill na puwedeng pag-usapan ulit sa Kongreso ang pagbabalik ng broadcast franchise ng ABS-CBN. Kasama na riyan sina Reps Gabriel Bordado Jr., Arlene Brosas, France Castro, Raoul Manuel, Johnny Pimentel at Rufus Rodriguez na nauna nang nag-file na walang publicity.

Teka, kailangan ba talaga ng publicity para rito? At paano kaya ito uusad sa rami ng alalahanin ng Kongreso ngayon, kasama na ang na-file ding Impeachment kay VP Sara Duterte?

Sana ang mga ganitong moves ay hindi lamang mapako bilang - publicity. ‘Di ba?

Himala at MFY, hinahanap sa mga sinehan

Extended daw ang MMFF films pero nahihirapang hanapin ang mga pelikulang Isang Himala at My Future You. Nasaan kayang cinema mapapanood ito?

‘Yung Strange Frequencies at Hold Me Close, may naghahanap ba? If ever, saan naman kaya?

Kaya sabi ng isang filmmaker, Moana 2, Mufasa, Wicked, Gladiator 2 and other foreign flicks are back in the cinemas.

Good luck in finding the other MMFF titles this week.

Nakakataquote:

“Ngayon ko lang talaga nalaman apelyido ni SIRI. Haay, huli na naman ako.” Geronimo pala. #BoredNaNamanAko - THOR, Singer

Show comments