^

PSN Showbiz

Ex ni Anthony, nag-violate ng data privacy law?!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Ex ni Anthony, nag-violate ng data privacy law?!
Jamela Villanueva
STAR/File

Super trending talaga sina Maris Racal at Anthony Jennings sa lahat ng mga usapan.

Marami nang items ang naglabasan.

Du’n na lang tayo sa kakatwang mga hirit: sabi ng isang direktor, pinapangit nila ang meaning ng Method Acting. Talaga? Hehe!

Meron pa ngang isang picture na magkakasama sina Daniel Padilla, Baron Geisler, Richard Gutierrez at Anthony Jennings na imbes na Incognito ay The Cheaters ang title. Bakit??? Kailangan pa bang imemorize ‘yun?

Nakakaawa sa mata ng maraming tayo ang girlfriend ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva. Pero alam n’yo bang may nag-comment din na: “not that we condone infidelity but ABS-CBN can file charges against the ex-gf of Anthony Jennings for violating the data privacy law.” Totoo ba?

At meron ding comment na damay-damay na. Nag-trending din daw kasi si Karylle, ilabas daw nya kung may screenshots sya ng convo nina Marian Rivera and Dingdong Dantes while doing Marimar? Kailangan pa ba talagang mandamay ng maayos na ang buhay?

Nakakataquote:

Pati pala sa theater productions, present na ang commercial concessions?

Mula sa filmmaker na si Avid Liongoren:

“Tabing Ilog The Musical. The songs & performances were great but it was crammed with so many product placements. I have never experienced a play like this before. But then I learned that PETA was just the venue and the musical was produced by ABS CBN. Star Cinema pala ang business model.”

Sumagot ang Musical Director ng Tabing Ilog na si Vince de Jesus (na musical director din ng Isang Himala):

“As lyricist and composer of the musical – masakit talaga sa puso namin yang mga intrusions na yan. As much as I hate it, hindi ko din naman masisisi ang producers kasi kailangan ng sponsors. At sinusundan talaga ng sponsors ang ABS CBN kasi malakas ang talents nila. Ang tanong ko ay yung sa mga sponsors – meron na nga silang standees sa lobby, announced and projected na ang pangalan at products nila before and after the show. Bakit kailangan pang ipasok at isaksak sa narrative ng play ang slogan nila? How insecure is their market that they have to take over a scene by making our cast sing their jingle just for kicks? For me, power trip na ‘yan kasi may pera sila as sponsors. And it pains me, Avid. It pains everyone. Power trip na yang intrusion.”

ANTHONY JENNINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with