^

PSN Showbiz

Ang Future ng FranSeth

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Para sa isang tulad ko na lumaking nanunuod ng mga pelikula ng Metro Manila Film Festival (MMFF), at nakapag-host ng kanilang Float Parade ng ilang taon, (game pa ako sa ganyan ha!), masasabi kong hindi talaga kumpleto ang taunang festival ‘pag wala ang Regal Films. (naka-Shake Rattle Roll 108 na ata!) Kaya go talaga ako nang maimbitahan sa Media Conference ng kanilang entry ngayong December 25, na My Future You, starring ang tambalang FranSeth: Francine Diaz at Seth Fedelin. (at na-miss ko na rin mag-host ng event sa Valencia Compound ha!)

Kami ni Tessa Mauricio ang naging tandem sa pag-i-interview sa FranSeth. (nagkaroon kami ng instant talk show ha!) Bago pa man kami sumalang, naka ilang set na sila ng interviews, kaya nabilib ako sa energy ng mga bagets sa pagsagot sa amin. ( na kaming mga tita nila!)

Hindi maitatanggi na isa ang FranSeth sa mga sikat na loveteams ngayon ng bansa. (panay trending nyan sa X!) Kaya hindi naman atakataka na bigyan sila ni Ms. Roselle Monteverde ng launching film. (feeling close ako kay Ms. Roselle ha!)

“We go with the flow kami, kasi syempre nandun na talaga ‘yung pressure. Wala naman mangyayari if lalo pa naming iisipin ‘yung pressure, kaya ini-enjoy na lang namin ‘yung bawat moment especially ‘pag nag-iimbita na kami ng mga tao para manood. Makita mo lang ‘yung excitement nila, na makita kami, na marinig nila ‘yung kanta ng movie namin, ‘yung curious sila, nakakataba ng puso na po ‘yun. Nakakabawas na ‘yun ng kaba, ng takot.” Pagpapaliwanag ni Francine (ako I don’t feel any pressure right now!)

“Mas lamang pa rin sa amin ‘yung saya at ‘yung pagpapasalamat. Kung anuman po mangyari sa pelikula, masaya kami. Happy kami sa ginawa namin. Iche-cherish namin ito,” pagbibida ni Seth (parang gusto ko na ring i-cherish ang baby na ‘to!)

Ang My Future You lang ang pelikula sa MMFF na umiikot sa love story at pinagbibidahan ng bagong henerasyon, pero hindi lang daw ito basta kilig movie. (actually kinilig ako habang kausap sila!)

“Syempre gusto namin magbigay kilig ngayong Pasko, pero ‘yung movie may lalim, may pagmamahal na galing sa pamilya, hanggang sa tayo na ‘yung nagmahal ng special someone natin. Hindi lang sya basta kilig,” paglalahad ni Francine

“Ang tawag namin dyan, hindi Rom Com, tawag namin, Rom Fam. Romantic Family Drama, “ dagdag ni Seth

Aminado silang nakatulong ang paggawa ng pelikula para mas makilala nila ang isa’t isa. (ayan na!)

Ang say ni Francine: “Eversince dedicated talaga sya sa trabaho. Mahilig syang laruin ‘yung characters nya. As co-actors, mas seryoso na kami this time. Kasi ‘yung characters namin mga young adults, hindi na katulad nung mga 14 years old na pwede lang paglaruan. “

Agree naman ang Seth, “Brainstorm na rin kaming dalawa. ‘Yun ‘yung mas luma-lim sa’min. ‘Yung alam na namin ‘yung gusto namin.

Pinag-uusapan namin ano gagawin namin sa eksena na gagawin.”

Sa mga interviews nila noon, sinasabi nilang mag-best friend sila, ganun pa rin ba?

Mabilis na sagot ni Francine ay “bestest friend! (tumawa nang malakas)”

Nagpakaseryoso naman si Seth, “Mas luma-lim kesa best friend.” (at gusto raw nila magkasama sa future ha!

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with