^

PSN Showbiz

Pinoy values, ibinida ng knowledge channel sa Bálay Pinoy 2024 school caravan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pinoy values, ibinida ng knowledge channel sa Bálay Pinoy 2024 school caravan
Ginanap ang two-day school caravan sa Pedro Guevarra Elementary School (Binondo, Manila) nitong November 14 at sa Jose Rizal Elementary School (Pasay) noong November 15. Mahigit 700 mag-aaral mula sa mga paaralang ito ang nakilahok sa Filipino values celebration ng KCFI at NCCA.

Patuloy ang Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa pagpapahalaga ng mga kabutihang asal sa mga kabataan sa kanilang Bálay Pinoy School Caravan, katuwang ang National Council for the Culture and the Arts (NCCA) bilang pagdiriwang sa Filipino Values Month tuwing Nobyembre.

Ginanap ang two-day school caravan sa Pedro Guevarra Elementary School (Binondo, Manila) nitong November 14 at sa Jose Rizal Elementary School (Pasay) noong November 15. Mahigit 700 mag-aaral mula sa mga paaralang ito ang nakilahok sa Filipino values celebration ng KCFI at NCCA.

Maliban sa mga aktibidad na layong magturo ng mga kabutihang asal sa mga kabataan ngayon, nakasama rin ng mga mag-aaral ang Kapamilya singer-host na si Marlo Mortel at may performances mula kina rising singer-songwriter Daniel Paringit and ventriloquist/award-winning writer Ony Carcamo.

Labis ang galak ng KCFI vice president na si Edric Calma na mailunsad muli ang Bálay Pinoy School Caravan ngayong taon kaisa ang NCCA. Dagdag pa niya, layon nilang pagsisikapan na maipalaganap ang importansya ng Pinoy values sa mga educational show ng Knowledge Channel.

“We always make sure to integrate values in all the educational shows that we produce, even if it is for Mathematics, Science, Araling Panlipunan (AP), Technology and Livelihood Education (TLE), or Physical Education (PE). We are happy to have a month-long celebration dedicated to Filipino values led by the NCCA because it brings focus to this important topic,” pahayag ni Mr. Calma.

Ibinahagi rin ng NCCA deputy director na si Marichu Tellano ang importansya ng caravan na ito para sa mga kabataan. Ika niya, importante ang core Pinoy values sa holistic development ng mga bata na kanilang madadala sa pagtanda.

Bukod dito, namahagi rin sila ng Knowledge Channel Portable Media Library package sa kada paaralan bilang pasasalamat sa kanilang partisipasyon. Hatid nito ang offline access sa mahigit 1,500 hours ng video lessons at iba pang learning materials, na alinsunod sa curriculum program ng Department of Education (DepEd).

NCCA

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with