Alex, pinanindigan ang pagma-mature
Ang bongga ng dinaluhan naming Christmas party ng grupong SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na ginanap sa Rampa Drag Club noong nakaraang Lunes.
Nakakatuwa ang suporta ng mga taga-entertainment industy sa grupong ito dahil talagang nag-effort silang dumalo at nakisaya nung gabing iyun.
Nag-ambag pa sila sa pa-raffle, at para na rin sa charity works ng SPEEd na kung saan ay mamimigay sila ng Pamasko sa mga nasunugan sa Tondo at nasalanta ng bagyo sa Aurora.
Sumuporta ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Dino, Sylvia Sanchez at Art Atayde, Alex Gonzaga at Mikee Morada, Boots Anson Roa-Rodrigo, Jake Cuena, Ara Mina, Cong. Sam Versoza, RS Francisco, mga Vivamax stars, pati mga producers sa pangunguna ni Bryan Dy ng Mentorque, Roselle and Keith Monteverde, talent managers at movie press.
Nagulat ang karamihan sa biglang pagdating ng mag-asawang Mikee at Alex dahil ngayon lang sila uli nakita sa ganitong events.
Ngayon lang nga napakilala ni Alex ang asawa niya sa movie press.
“First ko lang yata napakilala sa mga taga- SPEEd, mga editors, mga press people ng asawa ko. Kasi nagpakasal kami…ano pandemic,” pakli ni Alex.
Medyo lie low pa rin si Alex dahil mas gusto raw muna niyang mag-focus sa kanila ni Mikee. Kaya may mga tinatanggihan siyang mga offers.
“Medyo e. Siyempre thankful tayo. Pero ang iniisip ko pa rin ngayon is, kunyari yung aalis, tapos yung asawa ko…pag iisipin ko lagi yung asawa ko at siyempre, we’re trying to have a baby. So, ayoko na mawala sa focus, so yun yung ano muna.
“Yun muna starting a family, building a family. So, medyo mahirap pa talagang pagsabayin, lalo na sa mga circumstances na hindi naman…” saad ni Alex.
Ang magka-baby nga raw ang priority nila ngayong mag-asawa.
Aminado si Alex na mas nag-mellow na siya ngayon, mas behaved dahil tapos na raw siya nun sa mga kalokahan niya nung kabataan niya.
Pero ang sabi naman ni Mikee; “Si Alex will always be Alex no? Pero mas careful naman siya ngayon, wala naman…okay lang yun.”
Singit naman ni Alex; “Sa kanya na lang ako nagiging naughty.”
Sabi pa ni Mikee; “Matagal na kami magkakasama, 2019 hanggang ngayon magkakasama pa rin.”
Proud daw si Mikee sa mga na-achieve ni Alex bilang vlogger. Consistent ngang hindi nalalaglag sa mga malakas na social media influencers.
“Kasi nakita kung papano niya inumpisahan yung vlog e, nung nanliligaw pa lang ako. Iyun ang pinakauna niyang vlog hanggang ngayon. Siya pa rin ang nage-edit, inuupuan niya lahat. Pag nakita mo yun, talagang mapa-proud ka talaga sa kanya,” sabi pa ni Mikee.
Kaya okay na raw si Alex sa pagba-vlog muna at gusto rin niyang mag-focus muna sa pagsuporta sa pangangampanya sa kanyang asawa.
Kaya behaved na raw siya ngayon at nandiyan lang siya bilang supportive wife ni Mikee Morada. “So far ngayon ano, as supportive wife muna. Siyempre hindi muna tayo magsalita ng tapos. Pero as of the moment, mas nage-enjoy ako na sinusuportahan ko lang si Mikee,” pakli ni Alex.
Hindi na siya nagpapaapekto sa mga ilang binabalik pa ang mga isyu niya noon. Nagpapa-cool na lang siya, at hindi na lang daw niya pinapansin yung binubuhay pa ang mga dati pa niyang kalokahan. “Wala na…ano na lang…siyempre minsan maano ka, parang magugulat ka na yung dati pa nangyari is mababalik. Pero iniiisip ko siguro ganun talaga, it’s part of the consequence nung pagiging childish ko, immature ko noon. What’s important naman lagi akong nire-remind ng asawa ako, my family is you know your mistakes and you’re trying to improve, you’re trying your best na hindi ulitin. So yun yung importante na ang nakikita naman sa ‘yo is nagbabago.
“Siyempre, nagma-mature na din so kailangan siyempre…hindi naman forever bagets, hindi naman forever laging makulit, so yun,” sabi pa ni Alex Gonzaga.
Asawa ni Angel umiwas SA celeb golf ng MMFF
Umabot din ng halos 40 celebrities ang sumali sa MMFF50 Celebrity Golf Tournament na ginanap sa Wack Wack Golf and Counry Club kahapon.
Ilan sa namataan naming naglaro ay ang magkasintahang Cristine Reyes at Marco Gumabao, Derek Ramsay, Epy Quizon, Christian Bautista, Emilio Garcia, at pati mga mayors na sina Mayor Francis Zamora ng San Juan at Mayor Along Malapitan.
Nandun din pala si Neil Arce, pero tila umiiwas sa amin na hindi siya ma-interview dahil kukumustahin pa naman sana namin si Angel Locsin.
Nagpapasalamat ang MMDA Chairman Atty. Don Artes dahil sa marami ang sumali para sa event na iyun na kung saan ang Mowelfund naman ang makikinabang.
Iba raw talaga ang ngayong taong MMFF dahil sa dami ng mga malalaking artistang involved sa mga pelikulang kalahok.
- Latest