^

PSN Showbiz

Kaso ni Gerald, ‘di pa umuusad

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Nagkita sa isang event sina Gerald Santos at Sandro Muhlach and heto ang nasabi niya at nai-post pa, “Kahapon, finally ay nagkita na kami ng personal ni Sandro Muhlach! It’s nice to meet you bro! I’m here to support in every way i can! #justiceshallprevail”

Ang tanong, ano na kaya ang progress ng kaso ni Gerald? May na-file na nga bang kaso laban kay Danny Tan? Bakit parang nabinbin ang kasong ito, at mukhang mas nagiging kontrobersyal pa si Gerald dahil sa bagong single niya na Hubad. Sakay na sa isyu talaga, ‘di ba?

MFY, ilalaban ng bagong henerasyon

Sabi ni Direk Crisanto Aquino, “Malinaw ang FUTURE ng dalawang ito,” And he referred to Francine Diaz and Seth Fedelin as “This generation’s next LOVE TEAM!!!! and FRANSETH is LOVE! I’m very excited for you to witness how briliant these two actors are.” Talaga ba?

Sa tingin niyo, pang-ilan sa ranking ng My Future You sa lahat ng entries ng Metro Manila Film Festival? Mukhang sa kabataan ito may laban, in fairness ha!

Gary V., inisnab ng Aliw

Inisnab nga ba ng Aliw Awards ang concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano at hindi sya napasama sa listahan ng nominees for Best Concert by a Male Artist with Martin Nievera (The King 42ever), Mark Bautista (Mark My Dreams), Dingdong Avanzado (Original King of Pinoy Pop), Darren Espanto (Darren D10 Concert) and Raymond Lauchengco (Just Got Lucky) – at kahit sa Best Concert Act Male ay hindi rin kasama si Gary Valenciano na hanggang ngayon at nagpu-plug ng repeat niya ng One More Time sa Araneta Coliseum.

Good luck na lang talaga!

Julia, mas reyna sa TV

Nagsimula na kahapon sa Viu ang bagong teleserye ni Julia Montes na Saving Grace at dito makakasama niya sina Sharon Cuneta at Janice de Belen. Gaano ba kalaki ang Viu audience? Kaya kaya nitong ma-surpass yung naghaharing Netflix? I’m sure it’ll take some time and good word of mouth para rin magkainteres ang mga manonood.

Pero teka, ibig bang sabihin, matagal pa itong mapapanood sa free TV kung sakali?

Nag-iba na talaga ang landscape sa teleserye contant viewing! Tingnan natin kung sa pelikula, ang reyna ay si Kathryn Bernardo, sa TV ba kaya, will it be Kath’s rival Queen Julia Montes?

Nakakataquote:

“Lahat ng tao ay may karapatan na tumakbo sa pulitika at maging opisyal – ke-artista ka o hindi artista. Ang tanong, bakit ka nandyan at pupunta sa pulitika? Para ba talaga maglingkod o para yumaman dahil wala kang pagkakakitaan?” – John Arcilla

GERALD SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with