Kalokalike ni KZ na si Vyan, itinanghal na Kalokalike face Four grand winner

KZ Tandingan.
STAR/ File

Pinatunayan at pinanindigan ni Vyan dela Cruz ng La Union na hindi delulu ang pagkakahulma niya kay KZ Tandingan matapos niyang  ma-impress ang madlang people at hurado at hirangin bilang grand winner ng Kalokalike Face 4 The Ultimate Face Off.

Matapos ang tatlong buwang kompetisyon at pagtanggap sa hamon ng iba’t ibang personalidad ng buong mundo, nakuha ni Vyan ang pinakamataas na score na 9.8 mula sa hurados matapos niyang pabilibin ito sa pasabog na singing performance na mala-KZ sa Battle of the Faces.

Bilang grand winner, mag-uuwi siya ng ultimate artista package worth P450,000,  P200,000 worth of wellness & beauty package, P50,000 worth of hair care and salon services P100,000 worth of dental care services, P100,000 worth of medical and diagnostic services, a special trophy, at P300,000.

Samantala nag-uwi naman ang Bruno Mars ng Cebu na si Kent Villarba ng 100,000 bilang 1st runner up at P50,000 naman ang natanggap ng carbon copy ni Daniel Padilla na taga- Quezon City na si Jerome David.

Hindi naman umuwi ng luhaan ang ilang Kalokalikes na nakatanggap ng special awards at P10,000 tulad ni  BINI Jhoana ng Davao del Norte na nasungkit ang Kalokalikable award at nakuha naman ng Bruno Mars ng Cebu ang trending award.Si Ariana Grande ng Makati ang nakakuha ng Kumarir award.

Nagsilbi bilang hurados sa Ultimate Face-off sina Jugs Jugueta and Teddy Corpuz, JC de Vera, Mavy Legaspi, Rufa Mae Quinto, at Gladys Reyes.

DZBB, LS, nangunguna pa rin

Patuloy ang pangunguna ng flagship radio stations ng GMA Network, ang Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1 Forever, sa Mega Manila noong buwan ng Oktubre.

Ayon sa datos mula sa RAM (Radio Audience Measurement) Nielsen, nagtala ng 52.5 percent audience share ang Super Radyo DZBB.

Umarangkada rin ang Barangay LS 97.1 na may 42.3 percent audience share.

Show comments