Vic, pinagpraktisan ang pagsayaw nila ni Tali sa school!

Vic Sotto.

Nakaka-good vibes ang ipinost ni Pauleen Luna sa kanyang social media account na kung saan magkasama sila ni Vic Sotto na naki-celebrate sa Father-Daughter Day sa school na pinag-aaralan ng panganay nilang anak na si Tali.

Talagang naglaan si Bossing ng oras para sa espesyal na araw ng kanilang anak.

Nakita sa post ng misis na parang nag-rehearse pa si Bossing Vic sa dance number kasama ang iba pang tatay.

May dance number din silang dalawa in Tali.

Sabi ni Pauleen sa kanyang IG post, “Father daughter day in school today!

“Art, games and surprises happened this morning. Tali surprised Vic with a dance not knowing that Vic had one for her too! What a lovely sight to see! Good job to all the daddies especially to our very own Vic! Love you both!”

Wala ka talagang masabi sa pagiging tatay ni Bossing Vic, dahil sinisikap niyang magiging bahagi siya sa bawat milestone ng kanyang mga anak.

Sinasabi noon ni Mayor Vico Sotto, na kahit maliit lang daw ang role niya sa isang stage play sa kanilang school, dinadaluhan daw talaga ito ng kanyang ama.

Pero nung time na ‘yun ay mas busy ang comedian/TV host at sobrang kainitan pa talaga ng kanyang showbiz career at araw-araw sa Eat Bulaga.

Hindi kagaya ngayon na puwede nang tumanggi si bossing Vic sa trabahong inaalok sa kanya.

Kaya sabi ni Pauleen, talagang sinisikap daw ng asawa niyang madaluhan ang ganitong activities ni Tali sa school.

“Oo, nakakatuwa talaga na he’s trying his best na maging present for Tali.

“Super daddy’s girl din kasi si Tali,” text ni Pauleen sa akin.

Ngayon ay nasa grade one na si Tali, at nae-enjoy ng mag-asawang Vic at Pauleen na talagang nandiyan silang dalawa sa lahat na mga ginagawa ng kanilang anak.

Base sa video na ipinost ni Pauleen, nakuha pala talaga ni Tali ang galing ni Pauleen sa pagsasayaw.

Sabi noon ni Bossing Vic, mahilig din kumanta si Tali, kaya nakuha nito ang pagkanta sa kanyang ama.

Rhian, nagulat sa nangyari sa Sang’gre

Hindi alam ni Rhian Ramos kung saan nanggaling ang lumabas na balitang may pag-uusap ito sa ABS-CBN para lumipat sa naturang network.

“Baka iba ‘yun,” napangiting pakli ni Rhian nang makatsikahan namin sa media conference ng pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan na magso-showing na sa Nov. 27.

Tamang-tama naman kasi, na nag-expire na ang kontrata ni Rhian sa GMA 7 noong October, pero inaayos na raw ngayon ang renewal.

“We never had a conversation. Baka ibang artista ‘yun, baka hindi ako ‘yun. But, yes, I’m very happy where I am. We’re also under negotiation for my renewal,” pakli ni Rhian nang tinanong ko sa kanya ang ganung intriga.

Bahagi si Rhian sa Sang’gre, na nagkakaproblema lang ngayon. Pero excited siya sa kung ano man ang plano sa kanya ng GMA 7 kapag mag-renew na siya ng kontrata bilang Kapuso.

Nalungkot lang daw siya sa pinag­daanan ngayon ng Sang’gre na may hinarap na ganung problema, hanggang sa nagpalit na nga ng direktor.

“You know, it came as a surprise to me, I was not expecting like this to happen. But, I trust naman in our bosses that at the end of the day, they’re just going to do what’s best for everyone. Me naman, they never let me down before.

“So, I think our bosses know what they’re doing. I’m gonna trust in them,” saad ni Rhian Ramos.

Hindi na raw niya nakausap si direk Mark Reyes nang umalis na siya sa Sang’gre. Nagulat na lang daw siya nang napabalita ito at napag-usapan ng mga kasamahan niya sa naturang fantaserye.

“But siyempre, I mean for our own sentimental reasons, there are sad feelings about it. But also, alam mo ‘yun, we can’t be afraid of change,” sabi nito.

Siyempre, nasa Christmas station ID nga si Rhian, at nandun din si Jennylyn Mercado. Kaya doon nakikitang mananatili pa rin silang Kapuso.

Show comments