Marami na naman ang napa-wow sa mga litrato ni Gretchen Barretto kung saan litaw ang abs niya.
Matapos ngang mag-viral ilang buwan ang nakararaan ang pinost din ng kanyang make-up artist, muli na namang nagpasabog si La Greta na nakabandera ang abs niya suot na earth-toned sweater crop top na mula sa Prada.
Nagsusumigaw nga ang kaseksihan nito na kitang-kita ang toned body.
Para talagang hindi tumatanda ang nanay ni Dominique Cojuangco na sabi nga nila ay bampira ang peg nito.
‘Kaloka si Greta, wala talagang kupas.
Wala na sa hitsura ni Greta na muli siyang babalik sa showbiz o kahit sa social media.
Obvious na mas gusto niyang ang mga taong nakapaligid sa kanya ang magbigay ng updates sa kanya. Saka hindi niya kailangan ng showbiz noh. Madatung na madatung na siya.
Bongga.
Herlene, inirampa ang alaga
Nag-enjoy si Herlene Budol sa kanyang beach trip bitbit ang alagang aso na si Twe twe.
Bukod sa aso, siyempre pinagpiyestahan din ng netizens ang kaseksihan ni Herlene.
Hahaha. Kunwari pa sila na sa aso sila natuwa.
Ibang kaligayahan siyempre sa aso ang makapasyal sa beach.
Kung may time lang ako at malakas pa, ipapasyal ko rin sa beach ang aking mga alaga.