Nagulat ang legal team ni ken chan nang mag-post ito sa kanyang social media account ng statement kaugnay sa kasong syndicated estafa na kinakaharap niya.
Wala raw silang alam na magpo-post ito, na sana naman ay ipinaalam niya ito sa kanyang mga abogado.
Agree ako sa sinabi ng ilang taong nagmamalasakit sa kanya na kapag ganitong nasa korte na ang kaso, at ipinaaresto ka na nga, sana ay nanahimik na raw muna ito.
Ayun na nga! Meron tuloy nag-react, at maaaring isa rin ito sa investors sa binuong negosyo ng Kapuso actor.
Ini-repost ito ng model at host na si Mark Wei, at nag-comment itong siya naman daw ang magsasalita at magbibigay ng kanyang panig.
Sabi niya, “Okay, wait, ako naman magsalita soon? Lakas mang baliktad”
Nag-post din itong si Mark sa kanyang Facebook account ng, “All of our accusations are grounded in legal principles and supported by evidence. Hindi ito kuwentong kutchero lang po. Kaya nga may warrant na di ba? Harapin mo na lang kami po.”
Pero kung lalabas nga si Ken Chan at harapin ang kasong ito, makukulong siya habang inililitis ito. Kaya ‘yun ang iniiwasan ng aktor.
Kaya nga, sana hindi na muna naglabas ng statement ang Kapuso actor sa social media at baka nga ikapahamak pa niya ito.
Ang dami namang mga malalapit na kaibigan at katrabaho ni Ken na nag-comment na nandiyan lang daw sila para sumuporta at nagpahayag ng kanilang pagmamahal. Pero dapat lahat ng kilos at gustong ipahayag ng aktor ay ikinoonsulta muna niya sa kanyang abogado.
Rita, babaligtarin ni Archie?!
Nakatakda na ang preliminary hearing ng kaso ni Rita Daniela laban kay Archie Alemania sa Dec. 3.
Doon na haharap sa prosecutor’s office ng Bacoor si Archie para sumpaan ang isusumite niyang counter affidavit.
Sabi naman ng legal counsel ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, hindi naman daw kailangang daluhan ‘yun ng kanyang kliyente dahil mas mahalagang nandun si Archie. Kaya hindi pa sila magkikita.
Pero doon na magsisimula ang preliminary investigation kung may probable cause – kung aakyat ito sa korte para maging kaso.
Hindi rin sumasagot si Archie sa ilang beses na pangungulit namin, pero sa pagkakaalam namin ay nakausap siya ni Tita Cristy Fermin at pinabulaanan niya ito.
May nagsabi rin sa aming baka siya naman daw ang magsasampa ng kaso laban kay Rita. Kaya abangan na lang natin.
Kathden, sa Amerika naman aarangkada!
Tama ‘yung inilabas na press release ng Star Cinema na naka-P155M na ang Hello, Love, Again sa loob ng dalawang araw.
Halos 18 percent ang ibinaba sa second day, dahil naka-P70M daw ito.
Malakas pa rin ‘yun, at mukhang lalakas pa ito sa weekend dahil tuluy-tuloy pa rin ang pa-block screening ng fans. Nagsimula na ring mag-showing sa Amerika at sa ibang bansa ang naturang pelikula.
Kuwento nga sa akin ng kaibigan naming si Tito Louie Alejandro na naka-base sa Arizona, USA, halos sold-out na rin daw doon ang ilang screenings ng pelikula.