Unang dumarating ang entourage at bodyguards ng isang social media influencer kapag may pinupuntahan itong gathering kahit invited lang siya.
Sumikat ang social media influencer sa kakaiba niyang gimik sa kanyang social media account kaya nilalapitan din ng ilang celebrities.
Minsan, naimbitahan ang social influencer sa isang reunion ng mga naging classmates niya. Alam ng ibang classmates niya na darating siya kaya nandoon ang excitement sa kanila.
Unang dumating ang entourage ng influencer. Sumunod ang bodyguards!
Sigawan at suguran sa influencer ang ibang guests na followers niya. Syempre, nagpakuha sila ng picture.
Pero binawalan daw sila ng bodyguards! At ‘yung may nakuhang video ng influencer ay pinabubura, huh!
Nanlumo na lang ang ibang guests sa inasal ng bodyguards na magagaspang ang ugali at trato sa mga follower ni influencer!
Rita, ‘di makalimutan si JC
Mahal na mahal pala ng aktres na si Rita Avila si JC de Vera na co-star niya sa pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan ng Bentria Productions mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Noong time kasi ng Mimay doll ni Rita, “Love ko si JC kasi mabait siya kay doll Mimay ko. oong magkatrabaho ko sila ni FM Reyes, dinadalhan niya ng stuffed toy si Mimay. Mabait ‘yang batang ‘yan,” text sa amin ni Rita nang hingan namin ng reaksyon sa pagsasama nila ni JC sa movie.
Kasama rin ni Rita sa movie si Rhian Ramos na nakatrabaho niya sa isang GMA soap at humahanga siya kay Tom Rodriguez sa rami ng talents nito gaya ng pagkanta, drawing at playing musical instruments.